Sinusuri ng tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nakabulagtang katawan ng market master na si Reynaldo Rebutoc matapos itong barilin sa batok ng maskaradong lalaki sa Brgy.Wawa, bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga.
Boy Cruz
Tom pinapatos lahat ng trabaho para makaipon ng pambili ng bahay
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 3, 2016 - 12:00am

Thankful si Tom Rodriguez na dalawa ang bago niyang show at magkasunod pang magpa-pilot. Susubukan muna ni Tom na mag-host at maging dancer mamayang hapon, after ng Eat Bulaga. Magsisimula na ang bagong show na #Like at makakasama niya sa show ang Internet dance sensation na si Balang, sa pag-iikot nila sa mga barangay.

Naiiba ang show dahil labanan ito ng online celebrities na nai-feature na sa Kapuso Mo, Jessica Soho at umani ng million views. Original ang concept ng show. 

Every week, iba-iba ang concept ng show.  Ma­maya, maglalaban-laban sila sa isang one-of-a-kind street battle sa barangay, pero gaganapin ito sa ibabaw ng bubungan ng isang mataas na building. Magiging friendly competition naman ito at tatanggap ng P25,000 cash ang mananalo.

May 100 barangay members ang pipili ng winner sa pangunguna ni Balang sa mga Taumbayang Li­kers. Magkakaroon din ng ibang segment ang show later on.

Sa Monday naman, September 5 magsisimula ang inspirational drama series ni Tom sa primetime na Someone To Watch Over Me kasama sina Lovi Poe at Max Collins.

Todo kayod ngayon si Tom para sa pambili ng bahay sa Subic para sa kanyang mga magulang.

Superstar Duets aarangkada na

Mamaya na rin ang pilot episode ng Superstar Duets at sino kaya ang first four of the eight contestants ang maglalaban-laban? Hosted by Ultimate Star Jennylyn Mercado, mga judge ang mga comedian-TV host na si Allan K, Traffic Diva Aicelle Santos at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Mapapanood ito pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

Palitan ng ‘I love you’ nina Alden at Maine wala raw script!

Matapos sumabog ang ba­lita na opisyal nang umamin sina Alden Richards at Maine Mendoza noong September 1, 2016 sa Eat Bulaga, may nagpadala sa amin ng patotoo na wala talagang script ang 59th weeksary ng dalawa: “Wala pong script ang kalyeserye today ayon sa staff ng EB. Kung ano ‘yung napanood n’yo totoo lahat lalo na ‘yung sa part ng AlDub kung saan naging emotional sila pareho. As you can see, when Alden asked Maine kitang-kita ang gulat ni Maine na napansin din ni Allan K. True and legit po ang nangyari sa EB o KS, from legit source from EB.”

Kahapon sa kalyeserye, kitang-kita ang kasiyahan nina Alden at Maine, lalo na kapag nagtatawagan na sila ng paboritong tawag sa kanila ng mga fans, ang ‘Bibi Boy’ at “Bibi Girl.”

BACOOR CITY BUY BUST CAVITE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with