Gastos ng Regal sa movie ni Piolo, X6!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - September 2, 2016 - 12:00am

Napaka-magastos pala ng pelikulang Once in a Lifetime ng Regal Entertainment starring Piolo Pascual and Yen Santos. Ayon sa mag-inang Mo­ther Lily at Roselle Monteverde, ang shooting sa New Zealand ang pinakamadugong parte.

“It’s really very expensive,” sabi ni Mother. “When you go to the States (to shoot), parang times six sa New Zealand. Kaya make this movie a blockbuster,” say pa niya na ikinatawa ng lahat.

Say naman ni Roselle, kahit magastos ay worth it naman daw dahil nga nakita na nila ang mga eksena sa NZ at napakaganda raw talaga.

Tapos na ang shooting ng Once in A Lifetime sa NZ at dito na sila sa Pinas nagsu-shoot. Wala pa itong playdate pero this year daw ito ipalalabas.

Ang susunod na ipalalabas nila ay ang My Rebound Girl ngayong September starring Alex Gonzaga and Joseph Marco.

November naman ang showing ng The Escort na pinagbibidahan naman nina Lovi Poe, Derek Ramsay, Christopher de Leon at Jean Garcia.

Para sa 2016 Metro Manila Film Festival ay tatlong pelikula ang ginagawa nila ngayon, ang My Mighty Yaya ni AiAi delas Alas at Megan Young, Mano Po VII: Chinoy ni Richard Yap, Janella Salvador at marami pang iba, at ang horror film na Puwera Usog.

Jennylyn babawi kay Piolo!

Hindi man natuloy ang pelikulang gagawin sana ni Jennylyn Mercado kasama si Coco Martin under Star Cinema, nakatakda naman siyang bigyan ng bagong movie ng naturang produksyon.

Hindi pa masabi ni Jen kung sino ang leading man niya sa gagawing pelikula but when asked kung sino pa ba ang dream niyang makapareha pagkatapos ni John Lloyd Cruz, sey niya ay si Piolo Pascual.

Posible bang si Piolo na nga ang makakatrabaho niya sa next movie niya sa Star Cinema?

Natawa na lang ang Ultimate Star kaya baka nga si Papa P na nga.

Of course, excited daw siya to work with Piolo at mai-starstruck din siya tulad ng nangyari sa kanya kay Lloydie.

Kung sakaling magkakatuluyan ang negosasyon with Star Cinema, baka raw for next year na ito.

Bakit hindi natuloy ang movie nila ni Coco?

“Marami pong mga dahilan, eh. Isa na sa dahilang ‘yung siyempre, priority ko pa rin ang GMA 7. Kakapirma ko pa lang, ‘di ba? So, ‘yun, respeto din sa kanila,” sey ni Jen.

Pero ang mas excited daw siya ngayon ay sa bago niyang show sa GMA 7, ang Superstar Duets na magsisimula na ngayong Sept. 3.

100 DAYS NI DIGONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with