Mulawin sa Encantadia ibinuko
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 15, 2016 - 12:00am

Sino nga ba ang gaganap na Mulawin na papasok sa epic serye na Encantadia? Ilan na ang lumalabas na names, una si Miguel Tanfelix na noong ipinalabas ang Mulawin, ay katatapos lamang niyang manalong First Prince sa Starstruck Kids.

Pero sumunod na lumabas ang name ni Alden Richards na siyempre pa, ikinatuwa ng fans ng Pambansang Bae dahil miss na miss na rin nila ang actor na mapanood sa isang serye, payag na sila kahit guest role lamang siya ng ilang araw.

Matatapos ang paghula kung si Miguel o si Alden ang gaganap na Mulawin dahil ngayong Monday, mapapanood na ang reveal trailer kung sino si Mulawin, sa shows ng GMA 7.  Ilang araw kayang maggi-guest si Mulawin sa Encantadia at kailan siya papasok sa telefantasiya?

Medyo hirap ngayon si Direk Mark Reyes at ang production staff ng epic serye dahil sa araw-araw na pag-ulan. Mga studio scene lamang muna ang ginagawa nila. Napapanood ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras.

Bela nahirapang kalimutan ang ex

Sumagot naman ang mga bida ng Camp Sawi ng Viva Films at N2 Productions sa tanong sa kanila noong presscon ng movie na dinirek ni Irene Villamor, kung paano sila naka-move on after ng break-up with their boyfriend.

Pagdating sa issue ng love life, hindi mo sila mapipilit sabihin kung sino ang tinutukoy nila. Like si Bela Padilla na unang natanong, inamin niyang tatlong taon bago siya naka-move on sa break-up niya sa first boyfriend niya na kahit anong kulit, hindi niya sinabi kung sino. Thankful daw lamang siya na that time, sunud-sunod ang projects na ginagawa niya kaya hindi niya naiisip na loveless siya. Iyon din daw siguro ang dahilan kaya tumagal ng three years bago siya muling nagka-boyfriend, dahil hindi nga niya naiisip na loveless siya.

Si Yassi Pressman, hindi man niya sinabi kung sino ang naging boyfriend, alam na iyon sa showbiz dahil matagal ding naging sila at naging part ng pag-move on niya, nang umalis siya sa GMA Network. Ngayon, sabi’y may bago nang boyfriend si Yassi, pero mas focus pa rin daw siya sa kanyang career lalo pa ngayon na malamang lumipat na siya sa ABS-CBN, na hindi niya ikinaila na matagal na niyang wish na makapasok.

Matagal namang iniyakan ni Arci Muñoz ang naging boyfriend niyang kahit ayaw aminin kung sino ay si Kean Cipriano ang tinutukoy, pero ayaw na niyang mag-elaborate pa. Ayon kay Arci, kailangan daw mapagdaanan mo iyon completely para kung may bagong relasyon na dumating, alam mo na kung paano i-handle iyon.

Andi gumawa ng sariling mundo nang kumalas kay Jake

Hindi naman itinanggi ni Andi Eigenmann na talagang nahirapan siyang makalimutan si Jake Ejercito. Para makalimot, nag-focus siya sa ibang bagay. Nag-travel siya kung saan-saan. Iyon daw mga activities na hindi niya nagagawa noong magkasama sila ni Jake, ginawa niya nang siya na lamang mag-isa. Dagdag pa ni Andi gumawa siya ng sariling mundo na wala na ang dating boyfriend. At mukhang nagtagumpay naman siya ngayon dahil balitang may bago na siyang boyfriend.

Sa August 24 na mapapanood ang Camp Sawi in cinemas nationwide.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with