Balang legit na Zumba instructor na
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 3, 2016 - 12:00am

Nakakatuwa naman at certified Zumba instructor na ang YouTube sensation na si Balang.

Nakilala si Balang dahil sa husay nitong sumayaw at humataw sa kanyang video na na-post sa YouTube. Noong mag-viral ito, marami ang gustong makilala na ng personal si Balang para malaman kung gaano ito talaga kagaling sumayaw.

Nag-post nga si Balang sa kanyang Instagram account tungkol sa pagtanggap niya ng certificate na puwede na siyang magturo ng Zumba.

“Dream come true! I am now a Zumba instructor. Thank you @zumba.”

Kakagaling nga lang ni Balang sa 2016 Zumba Instructor Convention sa San Diego, California kung saan nakilala niya ng personal ang founder ng Zumba program na si Beto Perez.

Simula noong maging isang International Dancing Sensation si Balang, nakakatanggap siya ng mga imbitasyon sa ilang mga events abroad. Nitong huli ay naimbitahan siya ng Operation Smile para sa 25th Annual International Student Leadership Conference sa San Diego State University in California.

Nakilala pa ni Balang ang isa sa stars ng drama series na The Vampire Diaries na si Michael Trevino at ang founders ng Operation Smile na sina Dr. William Magee at asawang si Kathleen.

Na-feature rin siya sa Good Morning San Diego.

Noong pumunta naman siya ng Orlando, Florida, nakipag-selfie naman siya sa American Singer na si Shaggy.

Napapanood si Balang sa afternoon teleserye ng GMA 7 na Magkaibang Mundo.

Benjamin mahal na mahal si Lovi

Isa sa naging close na lalake kay Lovi Poe ay si Benjamin Alves. Ilang beses silang nagkatrabaho kaya marami na rin silang alam sa isa’t isa.

Kaya kung anuman ang naging problema ni Lovi sa personal nitong buhay ay alam lahat ni Benjamin.

Friendly lang daw ang relasyon nila ni Lovi at hindi raw ito puwedeng umabot sa pagiging romantic.

“Mahal na mahal ko ‘yung tao na ‘yun. We’re really close. We talk pretty much every day,” ngiti pa ni Benjamin.

Kaya nga natuwa ito nang muling pumirma ng bagong kontrata si Lovi sa GMA 7.

Unang nagtambal sa pelikulang Guni-Guni sina Benjamin at Lovi. Nasundan ito ng pelikulang Sana Dati at ang teleserye na Beautiful Strangers.

Jake malapit ang puso sa mga may cancer

Bago matapos ang buwan ng July, tinupad ng Kapuso actor na si Jake Vargas ang dumalaw sa Child Haus at mag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga batang may sakit na cancer.

Naging sobrang busy si Jake kaya kelan lang siya nag-celebrate ng kanyang birthday. Noong July 9 pa ang kaarawan niya pero nagkaroon pa rin siya ng post birthday celebration kasama ang mga child patients ng Child Haus.

Malapit kay Jake ang mga batang may cancer dahil alam niya kung ano ang pakiramdam ng mga magulang nito dahil sa sakit na iyon.

Ang ina kasi ni Jake na si Magdalena Vargas ay pumanaw dahil sa colon cancer noong 2010.

Anim na taon na raw ang nakakalipas, pero hindi pa rin masyadong maka-move on si Jake dahil sobra niyang nami-miss ang kanyang ina na hindi tumigil sa pakikipaglaban sa sakit na cancer.

“Hanggang ngayon, iniisip ko na nandiyan lang siya at ginagabayan ako. Lagi kong sinasabi sa mga batang ito na magdasal lang para gumaling sila agad. Walang imposible sa dasal,” ngiti pa ni Jake.

Naghahanda si Jake para sa magiging concert nila nina Derrick Monasterio, Rocco Nacino at Aljur Abrenica na Oh, Boy sa Music Museum ngayong August.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with