Anak ni Sharon na si Frankie, may ibubuga rin sa singing
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 13, 2016 - 12:00am

Proud mama si Sharon Cuneta dahil magaling din na singer si Frankie, ang panganay nila ni Senator Francis Pangilinan.

May-I-share ni Sharon sa fans niya ang sariling version ni Frankie sa classic song na La Vie En Rose.

To be fair, maganda ang timbre ng boses ni Frankie na minana ang talent sa pagkanta ng madir niya.

Ewan ko kung type ni Frankie na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang madir at ng Ate KC niya. Baka hobby lang ni Frankie ang pagkanta dahil ang pag-aaral ang kanyang top priority.

Bela walang kaalam-alam sa pagpasok ni Yassi sa bahay

Walang kamalay-malay si Bela Padilla na papasok sa Pinoy Big Brother house si Yassi Pressman, ang co-star niya sa Camp Sawi, ang coming soon movie ng Viva Films.

Walang nabanggit si Yassi kay Bela nang magkita sila sa pictorial ng Camp Sawi, two Sundays ago. Nagulat na lang si Bela nang malaman niya na pumasok si Yassi sa PBB house, isang araw pagkatapos ng pictorial nila.

Hindi naman puwedeng ipagma­ka­ingay ni Yassi ang pag-join sa reality show ng ABS-CBN or else, baka matsugi ang beauty niya. Dream pa naman ni Yassi na maging Kapamilya star.

Aktor laus na laos ang hitsura, hindi na dapat nagpakita

Bituing walang ningning ang aktor na hinirang ng YES! bilang isa sa Most Beautiful Stars.

Pinagtsitsismisan ng mga repor­ter ang aktor dahil wala nang ningning ang dating niya at one of those na lamang siya.

Nag-comment nga ang isang entertainment editor na hindi na lang dapat umapir ang aktor sa event ng  YES! para hindi napansin na fal­ling star na siya.

Fans ng aktres na maingay lang, di dapat tularan

Dinagsa kagabi ng AlDub fans ang red carpet premiere ng Imagine You & Me bilang suporta sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Graded B ng Cinema Evaluation Board.

Bukod sa suporta, ito ang bihirang pagkakataon na nakita ng fans nang personal at libre sina Alden at Maine.

Wish ko lang, i-convert sa cash ng AlDub ang suporta nila para maging blockbuster ang project ng kanilang mga idol.

Huwag nilang gayahin ang fans ng isang dating sikat na aktres na sagana sa ingay at nang-aaway ng  mga tagahanga ng ibang aktres pero hindi naman sinusuportahan ang mga pelikula ng kanilang idol kaya puro flopsina ito.

Ngayon dapat patunayan ng AlDub fans ang solid support nila kina Alden at Maine para masundan pa ang mga project ng kanilang favorite loveteam.

Asawa ni Patricia Javier mahusay na chiropractor doctor

Guminhawa ang pakiramdam ko sa treatment sa akin kahapon ni Dr. Rob Walcher, ang chiropractor husband ni Patricia Javier na may clinic sa Scout Rallos, Quezon City.

Magaling na chiropractor si Papa Rob dahil nawala ang pananakit ng katawan ko. Hindi ko lang ipinagalaw ang leeg ko dahil afraid ako, kahit alam ko na mahusay siya sa neck alignment.

Paying customer ako pero dahil sa galing ni Papa Rob, highly recommended ko siya sa lahat ng may mga problema sa likod at nakakaramdam ng sakit sa mga buto-buto.

Hindi pa masabi ni Papa Rob kung for good na ang pananatili nila sa Pilipinas dahil nami-miss din niya ang kanyang mga magulang at kapatid sa Amerika.

Pero kung pipiliin niya na manirahan sa bansa natin, sure ako na magiging popular chiropractor si Papa Rob dahil sa galing niya.

Isa lamang ako sa mga paying client ni Papa Rob. Regular patients din niya sina Coco Martin at Derek Ramsay na nagbabayad din at hindi TY ang back treatment at alignment.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with