Alden at Maine what you see is what you get ang drama ng relasyon!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 24, 2016 - 12:00am

Tinupad ni Alden Richards ang pangako sa AlDub Nation ng Cebu na pagbalik niya roon para muling mag-show ay isasama ang ka-love team na si Maine Mendoza. Last Wednesday, June 22, maaga pa ay nasa Cebu na sila ni Maine para sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Island Mall Parking Lot to promote their first solo movie, Imagine You & Me.

Masuwerte ang Cebu fans dahil sa kanila unang nag-promote ang magka-love team at ang Cebu local press din ang unang nagkaroon ng chance para ma-interview kina Alden at Maine. Diretsong sinagot ng magka-love team ang mga tanong, maliban sa real score ng kanilang relasyon.

“Kung ano po ang inyong nakikita iyon na ‘yon. Marami na kaming pinagdaanang intriga, criticisms, na minsan bad, minsan very bad, minsan naman good, minsan very good, pero anuman po ang nangyayari, at the end of the day, alam namin kung ano ang totoo at nagka­kaintindihan kaming dala­wa. Saka iyong nagtatanong kung masaya kami, sobra pong napakasaya!” sabi ni Alden.

Inamin nilang tumibay ang kanilang relas­yon nang mag-shoot sila sa Italy ng movie, dahil from May 8 to 26 ay araw-araw silang magkasama.

“Mas nakilala namin ang isa’t isa. Kahit po iyong mga simple things lamang na hindi na­min napapansin nung magkasama kami sa kal­yeserye ng Eat Bulaga, nakita namin. And everyday, nagiging stronger kami,” sabi naman ni Maine.

Bago natapos ang press conference, a capella nilang kinanta ang theme song of the same title ng movie, Imagine You & Me upon the request of the press. Tumuloy na sila sa parking lot ng Gaisano Mall at nakita namin sa mga Instagram post na ang daming tao kaya natanong namin si Oli Amoroso, GMA Regional Director, kung ano ang estimated crowd. Sagot naman niya, as per Kabalikat Civic Community, umabot ito ng mahigit na 12 thousand people. Hindi naman nainip ang mga tao dahil pinapanood sa kanila sa isang malaking video wall ang music video ni Maine at ang first teaser ng movie. 

Jasmine ibinuko ang mga pinaggagagawa nina Alden at Maine sa Italy!

Kahit na-bash na si Jasmine Curtis Smith dahil parang hindi siya interesadong magkuwento tungkol sa Imagine You & Me, nagpahayag na rin siya kung gaano ka-nice sa kanya sina Alden at Maine nang mag-shooting sila sa Italy. Natuwa raw siya at nabigyan ng chance makatrabaho sila dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong privilege.

Nang tanungin si Jasmine sa relasyon nina Alden at Maine, ikinuwento ni Jasmine kung paano magkulitan ang dalawa on and off screen. Mahilig daw kasing mag-joke ang dalawa sa isa’t isa. Nakita raw niyang totoo ang dalawa at hindi sila nagpi-pretend lang just for the show, they get along well.

Pero wala pa ring sinabi si Jasmine kung ano ang role niya sa movie. Kahit ang ipinakitang mas cute na second teaser ng Ima­gine You & Me, hindi mo pa rin mahuhulaan kung ano ang cha­­racters nina Alden at Maine. Ang iniwan lamang nina Maine at Alden sa Cebu fans, “kapag nanood kayo, lalabas kayong masaya at in love.”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with