^

Pang Movies

Isabelle pinaiyak si Ryzza Mae

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napaiyak na naman si Ryzza Mae Dizon sa pagsi-celebrate niya ng kanyang 11th birthday kahapon sa Eat Bulaga.  Present ang buong Dabarkads na nakasama ni Ryzza simula nang manalo siyang Miss Little Philippines five years ago.

Maraming bumati sa kanya pero naiyak siya sa video greetings ni Isabelle Daza na matagal na niyang nami-miss. Isang best actress trophy ang ibinigay ng Dabarkads dahil para sa kanila best actress si Ryzza Mae na sa kabila ng kabataan nito ay kaya na niyang gawin ang iba’t ibang roles na ibinibigay nila sa kanya, at siya ang youngest host on TV.  Kaya parang birthday presentation sa kanya ng APT Entertainment ang pilot telecast ng bago niyang show, ang comedy series na Calle Siete bukas, Monday, 11:30 a.m. bago ang Eat Bulaga.

Tatapatan ang album ni Alden Maine pinasok na rin ang pagre-recording!

Kinilig ang AlDub Nation sa panonood ng kalyeserye noong Friday dahil tinupad na ni Maine Mendoza ang pangako niya sa dalawang lolas, Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo) na may ipagtatapat siya.  Beast mode si lola Nids nang sabihin ni Maine na may ginawa siya, sigaw agad siya na hindi pupwede iyon.

Sabi ni Alden wala raw ginawang masama si Maine, hayaan daw na ito ang magkuwento. Kaya nakalma rin si lola nang sabihin ni Maine na may ginawa siyang lyrics ng song na binasa niya sa mga lola habang titig na titig na nakikinig si Alden. Heto ang ilang lines ng song na isinulat ni Maine:

“All my life I was dreaming... All my life I was searching...

All my life I was seeking... for someone I can call my own.

Then you arrived all of a sudden... Without a warning it was you that I saw...

Without a warning it was you who came... You came right when I did not know what to say...

You could have been lost but here you are saved don’t you ever go astray...

What I would give to make you feel okay I would give it all away! By: @mainedcm

“Hayan po lola, saka na lang po ang buong lyrics ng song.  Iyan po ang magiging theme song ng movie naming ginagawa ni Alden,” patuloy na kuwento ni Maine. “Si Bossing Vic (Sotto) raw po ang maglalapat ng music at ang musical arrangement gagawin ni Jimmy Antiporda.”

Sino ang kakanta ng theme song, tanong ni lola Nids

“Ako raw po,” sagot ni Maine.

Untitled pa ang theme song, at tiyak na kung ano ang title nito ay siyang magiging final title ng movie na dinidirek ni Mike Tuviera for APT Entertainment at GMA Films.

Maraming fans ang nagsasabing feel nilang galing sa puso ni Maine ang lyrics, at siyempre pa para kay Alden ang bawat linya noon.

Biro pa ni Ryan Agoncillo na nasa panel ng hosts ng Eat Bulaga, dapat daw ang music ay kasing lagkit ng titig ni Alden na hindi inaalis ang tingin kay Maine habang binabasa nito ang lyrics ng song.

Ibig sabihin, ito ang magiging first recording session ni Maine at hindi kami magtataka kung igagawa ito ng separate single ng GMA Records.

Matagal na kasi itong niri-request ng mga AlDub Nation, na makagawa ng sariling album si Maine or magkaroon sila ng duet sa third album na sinisimulan nang gawin ni Alden sa GMA Records.

WARRANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with