Jennylyn at Jessy nabura sa eksena Nadine nangunguna sa sexiest ng FHM!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 5, 2016 - 12:00am

Nanggulat ang fans/followers ni Nadine Lustre sa lakas ng suporta sa kanilang idolo para sa FHM’s 100 Sexiest 2016.  Sa latest voting tally, naungusan na ni Nads ang nangungunang si Jennylyn Mercado, huh!

Sa totoo lang, mula nang sinimulan ng FHM ang pagkuha ng boto sa Sexiest 2016, lamang na lamang si Jen. Si Jessy Mendiola ang mahigpit niyang kalaban. Walang Nadine Lustre na pumi-picture, huh!

Tapos, heto’t sa isang iglap, tinabunan ng girlfriend ni James Reid ang lahat! To think na never pa siyang naging cover ng men’s magazine, huh!

Number 1 si Nadine at pumangalawa si Jen as of latest tally. Ang iba pang kasama sa Top 10 in their order are Jessy, Angel Locsin, Rhian Ramos, Arci Muñoz, Jinri Park, Glaiza de Castro, Ellen Adarna at Kim Domingo.

Sa July malalaman ang final tally ng FHM 100 Sexiest 2016.

Love na love si Duterte Annabelle sinabihan ng bruha, malandi at hindi sikat ang GMA reporter

Dumipensa si Annabelle Rama sa sipol isyu ni President-Elect Digong Duterte sa kanyang Twitter account. Wala mang binanggit na pangalan, ang GMA news reporter/anchor na si Mariz Umali ang sentro ng tweets niya.

Nabubuwisit daw kasi si Tita A sa dami ng nakikisawsaw sa isyu. Kaya sinimulan niya ito ng, “Hoy bruha, stop using Pres. Digong’s name, ang arte-arte mo…

“Feeling mo maganda ka? Pweeeeee…Ano ang big issue sa pagsipol, hindi naman ikaw ang sinipulan, bawal ba?

“Napahiya ka bruhilda, USERRRR…Siguro you keep asking stupid questions kaya ka binara…

“Kulang ka sa pansin or gusto mong lumandi sa presidente?

“Manahimik ka na dapat at i-ban ka na sa lahat ng presscon, kung meron man…

“My personal comment regarding the sipol issue…Hindi masama ang sipol galing sa isang lalaki lalong-lalo na pag sikat at decente…

“Hindi ka na nahiya sa sarili mo?: Ngawa ka ng ngawa hindi pala ikaw ang sinisipolan…hahaha…gaga hindi ka naman sikat!

“Kung mangyari yan sa akin, ang igaganti ko sa sipol ay isang malanding kindat…

“AMEN…” sunud-sunod na tweets ni Tita Annabelle.

Hayan, ginalit na naman ninyo si Tita A!

Tikiman nina Enchong at Kiray, trending agad

Trending agad ang trailer ng Regal movie na I Love You To Death nang inilabas ito kahapon nang tanghali sa YouTube page ng Regal Entertainment. Bida rito sina Enchong Dee at Kiray Celis na agad humamig ng almost 100K views.

Kahit kasi horror ang tema ng movie, nakakaaliw naman ang mga banat ni Kiray sa mga eksena.

Eh, sa movie, si Enchong ang kalampungan niya sa mga eksena na wala namang kiyeme sa pagromansa sa Kikay Princess, huh!

Ang ILYTD ang inaasahang magpapatuloy ng winning streak ng Regal. Nagtapos ang 2015 sa blockbuster na Haunted Mansion at sini­mulan ng kumpanya ang 2016 sa box-office hit na Love is Blind kung saan isa sa hinangaang artista ay si Kiray.

INDEPENDENCE DAY PRESIDENT AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with