Piolo kinabog pa si Iñigo sa pagpapa-cute kay Liza!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - May 31, 2016 - 12:00am

Naaliw kami kay Piolo Pascual sa pag-amin niya sa Gandang Gabi Vice na gusto niyang maging leading lady si Liza Soberano na mas bata pa sa kanyang anak na si Iñigo Pascual.

Piolo is 39 and Liza is 18 at hindi naman itinatanggi ng aktor na gandang-ganda siya sa mukha ng dalaga.

“Actually nga, binibigyan ako ng isang soap. Sabi panganay ko raw na anak si Julia Barretto. Sabi ko, gusto ko nga maka-partner pa si Liza tapos ibibigay niyo sa akin si Julia,” pagre-reveal ni Piolo.

Dagdag pa niya, nagagalit daw si Iñigo sa kanya kapag sinasabi niya si Liza.

“Kapag sinasabi ko si Liza, nagagalit sa akin ‘yung anak ko. Mas matanda pa ‘yung anak ko sa kanya,” say ni Papa P.

Mas lalo kaming naaliw kay Piolo sa reaksyon niya nang tawagan ni Vice Ganda si Liza at ibuking-buking siya. Hiyang-hiya ang aktor na parang teenager at kinabog pa si Iñigo kung makapagpa-cute.

But in fairness, papasa pa naman talaga si Papa P na lea­ding man ni Liza dahil parang hindi tumatanda ang aktor at gwapong gwapo pa rin.

Ellen biglaNG preno sa romansa nila ni Baste Duterte!

Bago pa man lumaki ang issue tungkol sa larawan ni Ellen Adarna kasama ang anak ni incoming President Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte sa Siargao Island, nilinaw na ng sexy actress na magkaibigan lang sila.

Aliw ang paglilinaw ni Ellen sa kanyang Instagram account dahil Bisaya ang ginamit niyang dialect.

“Sa mga fans ni baste ug sa mga ‘assuming’.. naa cyay uyab. Pero dili ako migo rami. Naa cyay uyab. Pero dili ako migo rami. Kkk so ayaw na pag imbento dinha. #chickenTV sa makasabot lang #bisaya”,” ang post ni Ellen na ang ibig sabihin, may girlfriend daw si Baste at hindi siya. Magkaibigan lang daw sila at huwag mag-imbento.

Ang daming natuwa sa post ni Ellen kaya karamihan ng nag-comment ay nag-Bisaya na rin.

We learned na kaya nasa Siargao si Ellen ay para ipagdiwang ang birthday ni Beauty Gonzalez kasama ang iba pa nilang friends. Nagkataong naroroon din si Baste kasama naman ang mga kaibigan nito.

Liza Diño binanatan ang banta ni Mocha

Usapang social media pa rin, agree kami sa reaksyon at opinyon ni Liza Diño patungkol naman sa post ni Mocha Uson na tila binabantaan ang na­nalong Vice President na si Leni Robredo na kapag hindi sinuportahan ang incoming President na si Rod­rigo Duterte ay tatanggalin nila ito sa posisyon.

Tulad ni Mocha, supporter din ni Duterte si Liza pero hindi raw siya sang-ayon sa mga sinabi ng si­nger.

“Ok lang naman na magpahayag ng opinyon. Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government.

“Marami naman talaga ang traumatized sa administrasyong Aquino kaya hindi natin masisisi na ilabas ng iba ang kanilang mga pangamba. But let’s not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion.

“Worse, do not assume the worst in one person and threaten to ‘remove her from office’ gayong obvious naman na wala tayong kakayahang ga­wing iyon.

“Speak for yourself and for yourself only. Ikaw yan eh. Opinyon mo yan. But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon especially ng mga sumusuporta kay Duterte eh parang hindi naman tama yun.

“Let us remain vigilant but let’s work towards UNITY and hope for the best. The majority has spoken. Dapat ngayon, back to zero na tayo. Let’s all start on a clean slate PILIPINAS. Tama na ang mga pagbabanta!! #du31 #positivephilippines,” ang mahabang post ni Liza.

Very well said!

BUREAU OF CORRECTIONS DEPARTMENT OF JUSTICE RODY DUTERTE VITALIANO AGUIRRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with