Ariella araw-araw na may kita
Vir Gonzales (Pang-masa) - May 22, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Masuwerte ang beauty queen na si Ariella Arida dahil napili siya ng Kapuso network na ma­ging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. At dahil pang-masa ang naturang show, siguradong naninibago si Ariella sa crowd dahil ang mga tao sa mga beauty contest ay mga pa-sosyal. Ang crowd ng Wowowin ay halos OA lahat sa pag­sayaw mapansin lang ni Willie para mabigyan ng jacket at maisali sa mga pa-contest ng programa.

Sa naturang show din tiyak na makikita ni Ariella ang iba’t ibang klase ng buhay ng tao.

Masaya ang dalaga na may trabaho siya araw-araw unlike ng iba niyang kapwa beauty queen na tuwing may okasyon lang umaapir sa mga show.

Joy Cancio hinahanap pa rin

Marami ang nagtatanong kung nasaan na raw ba si Miss Joy Cancio, kilalang manager ng Sexbomb dancers. Magbuhat kasi nang matsugi ang Daisy Siete sa ere ay wala man lang naririnig na balita sa kanya.

Ang Daisy Siete ay tumagal ng five years sa ere at napasikat ni Joy sina Rochelle Pangi­linan, Sunshine Garcia, Edgar Allan Guzman at Arthur Solinap.

Ang Daisy Siete rin ang naging takbuhan noon ng mga artistang walang project. Maging si Coco Martin ay nanggaling din sa Daisy Siete. At sina Jaclyn Jose, Ms. Celia Rodriguez ay naging mga guest noon ng popular afternoon serye.                          

ARIELLA ARIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with