^

Pang Movies

Joy Viado balik-trabaho pagkatapos ng matinding sakit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos ng higit na isang taon ay nakabalik na sa trabaho ang comedian na si Joy Viado.

Kung matatandaan ay dumaan sa matinding pagsubok si Joy dahil sa naging kumplikasyon ng kanyang sakit na diabetes. Muntik nang ma-amputate ang kanang binti ni Joy dahil sa impeksyon dulot ng diabetes.

Pero nagpapasalamat si Joy na hindi na kinailangan maputol ang kanyang kanang binti dahil sa ginawang ikatlong debridement surgery sa kanya.

“God is good talaga. Talagang nagdasal ako na huwag naman Niyang pabayaan na mangyari sa akin iyon. Mga kaibigan ko at maraming tao ang nagdasal din para sa kaligtasan ko.

“Sa totoo lang, pinaghinaan na ako. Parang nawalan na ako ng pag-asa. Pero kumapit pa rin ako sa Kanya. Alam kong walang imposible kapag naniwala ka.

“Kaya noong gumaling na ako, labis ang pasasalamat ko sa mga nagdasal para sa akin. Sa mga taong tumulong sa financial needs ko at siyempre kay Lord na hindi ako pinabayaan. Praise the Lord!” masayang kuwento pa ni Joy.

Comeback ni Joy sa pagpapatawa ay sa show na Dear Uge. Na-miss ni Joy ang umarte dahil isang taon siyang hindi gumawa ng TV show at pelikula dahil sa naging sakit niya.

“Ngayon back to normal na tayo. Na-miss ko ang pag-arte. Kaya noong tawagan ako ng Dear Uge para mag-guest, yes agad ako.

“Bale ito ang pagbalik ko sa pag-arte ulit. Thankful ako sa GMA 7 kasi lagi nila akong naaalalang bigyan ng trabaho.”

Kasama pa ni Joy sa Dear Uge episode sina Mark Herras at Winwyn Marquez.

Meryll nagdidirek na rin

Puwede nang tawaging Direk Meryll ang award-winning actress na si Meryll Soriano dahil katatapos lamang niya ng kanyang directorial debut na isang music video titled Swept Away.

Si Alessandra de Rossi ang bida ng naturang music video.

Matagal nang pangarap ng pamangkin ni Maricel Soriano ang subukan ang maging isang director. Kaya noong dumating ang pagkakataon ay sinubukan na niya at naging maganda naman ang resulta.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Meryll sa mga taong naniwala sa kanya at sumuporta sa bagong career na pinasok niya.

“This marks a milestone. I am eternally grateful to the people who have helped me today.

“The whole production, crew, my saviour JP, our friends Marvin, Andrei and Fafi, my love Ricci, my dearest Carlo, Marc and my Baby Girl.

“Napapailing na lang ako sa tuwa. Punong-puno ang puso ko. Salamat, maraming maraming Salamat. #sweptaway.”

Kasalukuyang napapanood si Meryll bilang si Miss Divine sa GMA primetime teleserye na That’s My Amboy.

Hollywood actress na si Charlize Theron aminadong nakaalitan si Tom Hardy

Naging honest ang Oscar winning actress na si Charlize Theron na hindi sila nagkasundo ng aktor na si Tom Hardy habang ginagawa nila ang pelikulang Mad Max: Fury Road.

Sa naging interview ni Theron sa WSJ magazine, sinabi nito na naging struggle ang makasundo ang British actor.

“From what I hear, he’s not like that on every movie – I hear he’s had good experiences.

“Maybe the movie is what it is because we struggled so much with each other, and those characters had to struggle so much with each other.

“If we were chum-chum, maybe the movie would have been 10 times worse.”

Sumang-ayon nga rito ang director ng Mad Max na si George Miller.

“The trajectory of the character can’t help but seep into the work.”

“When they first meet each other, they’re trying to kill each other. As the two characters come together out of necessity and rather reluctantly, they have to find a degree of trust. And to some extent that was the trajectory of their relationship as well.”

Dumaraan din daw kasi si Theron sa isang breakup noong gawin niya ang Mad Max. Naghiwalay sila ni Sean Penn noong mga panahon na iyon.

“When you leave a relationship there has to be some f–––ing ghosting thing, like literally I still don’t even know what it is.

“It’s just its own beast. We were in a relationship and then it didn’t work anymore. And we both decided to separate. That’s it.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with