Nora, Iza, Sarah, Dawn, Rhian at LJ bakbakan sa best actress ng PMPC
- Vinia Vivar (Pang-masa) - March 2, 2016 - 9:00am

Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagkakaloob ng mga natatanging parangal para sa 32nd PMPC Star Awards For Movies. Gaganapin ang awards night sa March 6, 2016, 7:00p.m., sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, Pasay City.

Magsisilbing hosts sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Alex Gonzaga, Bela Padilla at Robi Domingo.

Sa opening, bilang pagpupugay sa ‘Love Teams And Love Themes Of Philippine Cinema,’ maghahandog ng awitin sina Jed Madela, Yeng Constantino, Christian Bautista, Morisette Amon, Mark Bautista at Juris.

Hahataw naman sa nakakakilig na dance number ang Hashtags na kinabibilangan nina Zeus Collins, Jon Lucas, Jameson Blake, Ryle Santiago, Luke Conde, Jimboy Martin, Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal at Paulo Angeles.

Sa pagbibigay ng tribute sa namayapang Master Showman German Moreno, mag-aalay ng awitin ang Concert King na si Martin Nie­vera.

Ang tambalang Angeline Quinto at Erik Santos naman ang magduduweto para sa ‘Love Teams Of Today.’ 

Ngayong taon, ipagkakaloob kay Ms. Amalia Fuentes ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at kay Direk Mel Chiong­lo ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Nominado sa Movie of the Year ang A Second Chance (Star Cinema), Crazy Beautiful You (Star Cinema), Etiquette For Mistresses (Star Cinema),  Felix Manalo (Viva Films), Heneral Luna (Artikulo Uno Productions),  Honor Thy Father (Reality Entertainment), The Love Affair (Star Cinema) at Walang Forever (Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, and Buchi Boy Films).

For Best Director, maglalaban-laban naman sina Mae Czarina Cruz-Alviar (Crazy Beautiful You), Cathy Garcia Molina (A Second Chance), Joel Lamangan (Felix Manalo), Erik Matti (Honor Thy Father), Nuel Naval (The Love Affair), Chito Roño (Etiquette For Mistresses), Jerrold Tarog (Heneral Luna) at Dan Villegas (Walang Forever).

Mahigpit ang labanan sa Best Actor kung saan ang mga nominado ay sina John Arcilla (Heneral Luna), John Lloyd Cruz (Honor Thy Father), JM De Guzman (Tandem), Richard Gomez (The Love Affair),  Daniel Padilla (Crazy Beautiful You), Piolo Pascual (Silong), Jericho Rosales (Walang Forever) at Dennis Trillo (Felix Manalo).

Matitindi rin ang mga nominado sa Best Actress na sina Bea Alonzo (A Second Chance),  Nora Aunor (Taklub), Iza Calzado (Etiquette For Mistresses), Sarah Geronimo (The Break-Up Playlist), Rhian Ramos (Silong), LJ Reyes (Anino Sa Likod Ng Buwan), Meryll Soriano (Honor Thy Father) at Dawn Zulueta (The Love Affair).

Sa pamunuan ng kasalukuyang pa­ngulong Fernan de Guzman, ang 32nd PMPC Star Awards For Movies ay mula sa Airtime Marketing Philippines at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ABS-CBN Sunday’s Best sa March 13, 2016.

Zion na-weirdohan sa ginawa ng tatay na si Richard

Kaaliw ‘yung kwento ni Sarah Lahbati sa isang interview na na-weirdohan daw ang anak nila ni Richard Gutierrez na si Zion nang mapanood nito ang ama sa screening ng Ang Panday. Magkakatabi silang tatlo na nanoood at siyempre, hindi ma-reconcile ng three-year-old kid kung bakit napapanood niya ang ama sa screen habang katabi niya ito.

 “Medyo na-weirdohan siya na katabi niya ‘yung tatay niya tapos pinapanood din niya ‘yung tatay niya. Pero nagustuhan niya, he was really fixated on the screen and at one point, parang he was staring at Chard and then looking at the screen again. Parang why do I have two dads? But seems like he likes it. He was very concentrated on the screen,” Sarah was quoted to have been said.

Nagsimula nang umere ang Ang Panday last Feb. 29 at maganda ang feedback sa comeback fantaserye ni Richard kaya happy naman sila.

As for Sarah, bongga rin ang career niya sa ABS-CBN dahil bukod sa ASAP, kasama rin siya sa teleseryeng Written In Our Stars with Toni Gonzaga, Jolina Magdangal and Piolo Pascual.

 ‘Yun nga lang, hindi pa malaman ngayon kung ano ang mangyayari sa serye dahil nga may balitang buntis si Toni.

Magkahiwalay man ng network sina Sarah at Richard, ayon sa kanila ay they always find time na magkaroon ng family bonding.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with