Martin master na master na ang paggi-grill ng burgers
Martin master na master na ang paggi-grill ng burgers
Jun Lalin (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines –  Kahapon ang 54th birthday ni Martin Nievera. It’s a working birthday for Martin dahil naging abala siya sa rehearsal ng Royals kasama sina Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez-Alcasid.

Halos taun-taon ay nagtatrabaho si Martin kahit birthday niya at wala siyang reklamo sa bagay na ‘yun.

Isa si Martin sa mga naniniwalang mas masuwerte na nagtatrabaho ka sa mismong kaarawan mo para mas marami pang blessings na dumating.

Sa rehearsal nga pala kahapon ay nagpa-burger na si Martin. Ang Concert King mismo ang nagluto ng burger na ipinakain niya sa mga taong nasa rehearsal ng Royals.

Masaya si Martin kapag nagagawa niyang makapag-grill ng burger patty na siya mismo ang nagse-serve sa mga kaibigan at katrabaho. Minsan na ring nagpa-presscon si Martin na siya mismo ang nag-grill ng burgers na kinain ng entertainment press.

Samantala, isang linggo na lang ay mapapanood na ang Royals nila sa MOA Arena. Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing dapat na nilang paghandaan ang repeat ng Royals dahil sobrang mabili ang tickets para sa kanilang February 13 concert.

May Royals nga rin pala sa Waterfront Hotel, Cebu City sa February 14.

Ser Chief sasabak sa Valentine show

Join si Richard Yap sa Music and Memories Valentine dinner show ng The CompanY sa Palacio de Maynila. Kahit busy sa kanyang acting career, love pa rin talaga ni Ser Chief ang pagkanta, kaya naman hindi siya nakatanggi sa offer sa kanya ng Palacio de Maynila na maging special guest sa concert na ‘yon ng The CompanY.

Touched nga raw ang mga miyembro ng The CompanY nang malamang tinanggap ni Richard na mag-guest sa kanilang concert.

Maging ang mga miyembro pala ng The CompanY ay na-hook noon sa panonood ng Be Careful with My Heart na pinagbidahan ni Richard kasama si Jodi Sta. Maria.

Samantala, the show is made possible through sponsors Bench, Landbank, Manulife, Flanax, Alaska Krem Top and Filinvest and for inquiries, you may call Palacio de Maynila at 524-7606. Tickets are also available thru SM Tickets, 470-2222.

Diego tinantanan na ng fans nina Daniel at Kathryn

Sa finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo, umamin si Diego Loyzaga na maraming namba-bash sa kanya noong panahon na ka-triangle pa siya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nasabing series.

Pero patay na nga ang character ni Diego sa Pangako Sa ‘Yo, kaya hindi na rin siya masyadong bina-bash ng ibang fans na sobrang sineseryoso ang role niya sa nasabing series.

Sabi ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, alam niya na trabaho lang naman ‘yung ginawa niya sa Pangako Sa ‘Yo, kaya hindi na lang pinapansin ang ibang fans na nagagalit sa kanya.

Sa totoong buhay naman, parehong ka-close ni Diego sina Daniel at Kathryn.

ACIRC ALASKA KREM TOP AND FILINVEST ALIGN ANG LEFT MAYNILA PALACIO PANGAKO SA QUOT SER CHIEF STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with