Darren ang lakas ng tama kay Kathryn
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

Mami-miss saglit ng fans ni Darren Espanto ang binatang singer dahil ngayong buwan ng February ay puro sa abroad ang show nito.

Ipu-promote nito ang kanyang self-titled album under MCA na kasama ang isinulat nitong kantang Hanggang Hi and Hello! Isinulat niya ang lyrics noong 11 years old pa lang siya na dedicated kay Kathryn Bernardo dahil crush na crush niya ang aktres noon pa man. Gusto kasi ni Darren ang beauty ni Kathryn na simple at down to earth pa raw.

Samantala, busy na rin si Darren sa paggawa ng kanyang second album at nakapag-record na siya ng limang kanta.

Winner ng Voice Kids na si Elha, ayaw tigilan ang pagtitinda ng banana cue

Nakuha na pala ni Elha Mae Nympha, ang grand winner ng The Voice Kids Philippines Season 2 ang P1-M na napanalunan nito sa ABS-CBN. Naibangko na ng nanay ni Elha ang pera at hindi pa ginagalaw. Ang hindi pa naibibigay kay Ella ay ang house and lot na kasama sa package ng kanyang premyo.

Pinaplano ng mag-ina na magtayo ng kainan sa ibibigay na bahay sa kanila. Sa edad na 11 years old ay marunong nang magluto si Elha na hilig niyang gawin bukod sa pagkanta. Madalas siyang magluto ng adobo at siya rin ang tagasaing sa kanilang bahay. Gusto rin niyang mag-bake at gumawa ng salad. Kaya plano ng mag-ina na magkaroon ng sariling kainan, pero hindi raw mawawala sa tinda nila ang banana cue.

Normal pa rin ang buhay niya, medyo marami lang daw nagpapa-picture sa kanya na hindi niya tinatanggihan kahit sa school sa Kamuning Elementary School kung saan siya grade IV.

Habang naghihintay ng ibang trabaho ay panay pa rin ang vocalize at tongue trills (pinapatunog ang bibig na nakasara) para maensayo ang boses. Ito rin ay para mag-flow ang laway at hindi siya matuyuan ng lalamunan.

Kahit bagets ay conscious na itong maging healthy kaya panay ang exercise tulad ng pagda-jogging sa kanilang lugar.

Samantala, pangarap din ni Elha ang magkaroon ng sariling album na puro ballad at inspirational songs ang laman.

ALIGN ANG DARREN DARREN ESPANTO ELHA ELHA MAE NYMPHA HANGGANG HI AND HELLO KAMUNING ELEMENTARY SCHOOL LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with