Mga kaibigang gustong tumulong iniisnab Young actor sobrang taas ng ihi kahit sadsad na!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

Nanghinayang ang young actor na ito sa sinapit ng kanyang kaibigan na young actor din dahil sa sobrang katigasan ng ulo.

Malaki raw ang pinag-iba ng ugali ng naturang young actor kaya hindi nagtataka ang mga dating close rito kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa career niya.

Kung noon daw ay sagana ito sa biyaya, pero dahil sa umakyat ang kayabangan sa ulo nito, isa-isang nawala ang mga natamo niya.

“Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagbago,” ayon sa kausap naming young actor na dating close sa mayabang na young actor.

“Okey naman siya noon, eh. Noong makilala niya ang ibang tao, doon na nagbago ang ugali niya.

“Iba na siya magsalita. Malayo sa taong kilala namin noon.

“Tapos siya itong lumayo sa amin dahil may mga bago na siyang mga kaibigan na sinasamahan.”

Noong magkaroon nga ng problema sa kanyang career ang young actor, wala naman daw naitulong sa kanya ang mga bago nitong mga kaibigan.

“Noong nabalitaan naming down na down siya, nagre-reach out kami sa kanya. Pero siya itong ayaw makipag-usap sa amin.

“Gusto namin siyang tulungan. Pero hindi namin alam kung nahihiya ba siya o pinaninindigan na lang niya ang pag-iba ng ugali niya.

“Napagod na rin kaming iparamdam na gusto namin siyang tulungan.

“Mahirap magbigay ng tulong sa taong ayaw tumanggap ng tulong.

“Kung ang tawag doon ay pride, sana ibaba na niya dahil hindi iyon makakatulong sa kanya.

“Magpakumbaba na siya dahil iyon na lang ang puwede niyang gawin para kahit paano ay maging maayos na ulit ang buhay niya,” pagtapos pa ng nagmamalasakit na young actor.

Sidekick ni Uge, kinuwestiyon dati ang Diyos sa hitsura niya

Hindi makapaniwala ang baguhang si Divine Grace Aucina na mabilis siyang nabigyan ng break bilang sidekick ni Eugene Domingo sa bago nitong show na Dear Uge.

Naiyak nga si Divine noong contract signing at photo shoot pa lang nila ni Uge dahil hindi pa nagsi-sink in sa utak niya na may regular show na siyang lalabasan sa Kapuso network.

Aminado si Divine na hindi pangkaraniwan ang beauty niya. Ang tipo raw niya ay kinukuha para sa mga comedy na eksena. Kung noon daw ay kinukuwestiyon niya ang Diyos kung bakit gano’n ang hitsura niya, ngayon ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan siya ng gano’ng mukha.

“Na-experience ko ang ma-bully noong bata ako. Super lait sila sa akin. Ako naman, wala akong ginagawa. Hindi ako lumalaban. Umiiyak na lang ako.”

Cum Laude si Divine sa Far Eastern University sa kurso niyang Mass Communication. Naging theater actress siya sa pamamagitan ng PETA. Lumabas na rin siya sa ilang indie films at mainstream movies tulad ng My Bebe Love.

Bago nag-showbiz si Divine, kung anu-anong trabaho ang kanyang pinasok.

“Bago ko ginawa ang episode sa Karelasyon, nag-a-apply na ako para sa isang call center. Sinubukan kong gawin ‘yung episode at doon ako mas nakilala. Kahit na nagkaroon ako ng bashers dahil kinukuwestiyon nila ang ganda ko, hindi ko na lang pinansin. Pinagdasal ko na lang sila,” diin pa niya.

Ngayon at may kinikita na siyang regular, matutupad na niya ang wish ng mother niya na magkaroon ng washing machine.

Matapos iwanan ang 1D dahil sa babae Zayn Malik ex ni Nick Jonas ang bagong GF

Inamin na ng former One Direction member na si Zayn Malik na may relasyon na sila ng supermodel na si Gigi Hadid.

May ginawa kasing music video ang dalawa titled Pillow Talk at sobrang intimate ang dalawa sa mga eksena. Doon na nalaman na may ongoing relationship sila. Unang nagkakilala sina Zayn at Gigi sa isang Hollywood event at parang na-love at first sight.

Noong August 2015 ay nakipaghiwalay si Zayn sa kanyang fiancée na si Perrie Edwards. Si Perrie ang itinuturong dahilan kung bakit humiwalay si Zayn sa grupong 1D.

Si Gigi naman ay dating idine-date si Nick Jonas. Naghiwalay naman sila noong November 2015. Sa isang event sa Los Angeles in November 2015 nagkakilala sina Zayn at Gigi. Bago matapos ang gabi ay sabay na silang umalis at magdamag silang nagkasama.

“Zayn and Gigi are getting serious,” ayon pa sa E! News. Gigi was so excited when Zayn asked her to be in his music video. They both acted very professional on set but it was very obvious that they were in love.

“They couldn’t stop flirting with each other. Gigi and her sister Bella really like the fact they are in music videos with their boyfriends.”

ACIRC ALIGN ANG DAHIL GIGI LEFT NIYA QUOT SIYA STRONG ZAYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with