Kaya pala todo-kayod: Ipinagagawang bahay ni Heart, sariling pera niya ang ginagastos
Jun Lalin (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines –  Si Heart Evangelista bilang bagong endorser ng Veterans Bank.

Ayon sa chairman ng Veterans Bank na si Mr. Roberto de Ocampo, si Heart ang kauna-unahan nilang endorser at hindi sila nahirapang mag-isip kung sino ang kukuning endorser dahil ang tagline ngayon ng kanilang Bank ay “A Bank with a Heart for Every Filipino.”

Itinanggi naman ni Heart na ang ibinayad sa kanya ng Veterans Bank ay kinailangan niyang ilagay lahat sa bank account niya roon.

 “Yes, may bank account na ako with Veterans Bank, pero ‘yung talent fee ko, hindi ko dineposit lahat dahil almost everything napunta sa ipinapagawa kong bahay!” pahayag ng misis ni vice-presidentiable Chiz Escudero.

Ang halos lahat daw ng kinikita niya ngayon ay napupunta sa ipinapagawa niyang bahay na nagsimula na pala bago pa man sila nagpakasal ni Chiz.

Kuwento ng isang malapit kay Heart, “Ibabahay ni Heart si Chiz sa ipinapagawa niyang bahay. Baligtad nga dahil nagsimula na ‘yon bago pa man sila ikinasal!”

Dagdag pa ng taong malapit kay Heart, pera lang talaga ng actress/TV host ang ginagastos sa ipinapagawang bahay.

 “Kapag walang teleserye si Heart, natitigil din ‘yung ipinapagawa niyang bahay dahil siya talaga ang gumagastos doon,” dagdag pa ng kausap ko.

Samantala, ipinahayag ni Heart na 99% na magkakaroon siya ng bagong primetime series sa GMA 7 at magmi-meeting na sila tungkol doon, kaya magtutuluy-tuloy na rin ang pagpapagawa niya sa kanyang bahay.

Pagdating nga pala sa kanyang mga kinikita, four years na raw na si Heart mismo ang namamahala ng tungkol sa mga ‘yon. Alam na alam na raw niya kung magkano siya sa bawat proyektong ginagawa.

Pati sa pag-i-issue ng mga tseke sa mga kailangan niyang bayaran, siya na mismo ang gumagawa.

 “Noon, pati manager’s check, hindi ko alam. Ngayon, alam ko na mismo at bawat binabayaran ko, sa akin na dumadaan,” sabi ni Heart.

At ngayong misis na nga siya ni Chiz, mas marami pang mga bagay na natututunan ang actress/TV host.

May kiddie savings nga pala ang Veterans Bank, kaya inusisa ko si Heart kung bubuksan ba niya ng bank account ang mga anak ni Chiz pero malamang daw na by Christmas niya ‘yon gawin.

 “Ngayon kasi, lahat ng coins namin, inilalagay ng kids sa piggy bank nila, so by Christmas, malaki na ‘yon, kaya dadalhin na namin sa Veterans Bank at magbubukas sila ng kiddie savings account,” sey ng misis ni Chiz.

Nakatanggap nga pala ng bonquet of flowers si Heart kahapon sa event ng Veterans Bank, pero ang mister niyang si Chiz ang nagpadala no’n, kaya natuwa siya sa ka-sweet-an ng kanyang mister.

Matteo marunong mangilala

Si Matteo Guidicelli sa press launch ng Dolce Amore noong Wednesday night sa ABS-CBN.

In fairness to Matteo, kahit nagmamadali na siyang umalis after ng presscon, bawat entertainment press na madaanan niya ay binabati niya.

Isa si Matteo sa mga artistang maganda ang PR.

Madaling natatandaan ni Matteo ang entertainment press na nag-iinterbyu sa kanya at kapag nakikita ang mga ‘yon, siya pa ang unang bumabati.

Malayo si Matteo sa ibang mga artistang super-tsika sa entertainment press kapag may presscon, pero kapag nakita ang mga katsikahan sa ibang mga lugar ay hindi na nila kilala.

Sina Liza Soberano at Enrique Gil ang pina­kabida sa Dolce Amore, pero importante ang papel ni Matteo sa bagong primetime teleserye ng Kapamilya network.

ACIRC ALIGN ANG BANK CHIZ HEART LEFT MATTEO QUOT STRONG VETERANS BANK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with