Sunshine inaapila ang kasong nabasura laban kay Cesar
- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

Ayon kay Sunshine Cruz, hindi na raw nila ikinagulat ng kanyang mga anak ang lumabas na balita last Thursday na ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga reklamo niyang Child Abuse (R.A 7610) at Anti Violence Against Women and their Children (R.A 9262) against her estranged husband Cesar Montano.

Pahayag ni Shine nang makausap ng entertainment press sa presscon ng bago niyang seryeng Dolce Amore kasama sina Liza Soberano, Enrique Gil and Matteo Guidicelli, two or three weeks ago ay alam na raw nila ang tungkol sa desisyon.

Ang ipinagtataka niya ay ang timing ng paglabas ng balita na itinapat pa sa presscon ng Dolce Amore.

“It’s very timely lang na lumabas kanina sa dyaryo na na-junk ‘yung child abuse. Eh 3 weeks na ‘yun, eh, bakit ngayon lang nila nilabas? Just because I have presscon here?

 “Excited pa naman ako because it’s my first time to attend a presscon after Dugong Buhay. And then, papunta ako dito, mayroong mga nag-send sa akin ng messages telling me na ‘yun nga, may lumabas daw sa PEP (Philippine Entertainment Portal) saying na it was junked because of lack of evidence,” saad ni Shine.

So, ano ang reaction niya?

 “Wala, unang-una, hindi naman ako surprised but the timing lang is parang ngayon pa, pwede namang kahapon, pwede namang last week. How come just now, ‘di ba?”

Aminado naman si Shine na hindi siyempre maiwasang nandiyan ‘yung feeling na parang may mali sa naging desisyon.

 “Kasi ‘di ba, pag child abuse case, it’s really impossible to be junked? Parang it’s something na. . .of course, dapat pina-prioritize ‘yun, eh. So, whatever it is, nandiyan naman ang lawyer ko to fix everything, eh.”

Ia-appeal ba niya ang case?

“Yes, naka-apila na,” she said.

Hindi rin maiwasang matanong sa aktres ang reaksyon niya sa is­yung diumano ay may bagong anak na si Cesar sa ibang babae at say niya, it’s none of her business.

 “Alam n’yo, sa totoo lang, kahit ano pa ang maging issue sa kanya, it doesn’t matter anymore, it’s none of my business, buhay na niya ‘yan.

“We’ve been separated for 3 years and ang akin lang, sana, coo­peration na lang sa mga cases. ‘Yun na lang naman, eh, ‘yun na lang talaga. And I just hope he’ll exert more effort sa kids.”

Nakumusta rin sa kanya ang annulment case nila ni Cesar at say niya, “two years nang naka-file, tinatrabaho ko, I’ve been spending a lot for it coz I know and I believe, I deserve freedom, and he also deserves freedom. Para maging masaya na, bago man lang ako mag-40 (years old), maging malaya na ako from all of this.”

Gagampanan ni Sunsine ang role na asawa ni Andrew E. at kung sino ang anak niya, ‘yun daw ang sikreto pa at madidiskubre na lang daw unti-unti sa panonood ng serye. Ito raw ang biggest mystery of the story kaya bawal pang sabihin.

 “Maganda ang role ko, nabigyan ako ng chance na mag-primetime and first time ko sa Star Creatives at ang ganda-ganda ng cast, it’s really a blessing for me and for my kids,” she said.

Magsisimula na sa Feb. 15 ang Dolce Amore at papalitan nito ang time slot ng Pangako Sa ‘Yo na magtatapos na sa Feb. 12.

Enrique kuntento na kahit walang label ang relasyon nila ni Liza

Still on Dolce Amore presscon, natanong naman sina Enrique Gil at Liza Soberano kung ano na ang real score sa kanila ngayong 18 years old na ang dalaga.

Matatandaan kasing noong hindi pa 18 si Liza, ang laging sinasabi ni Quen (Enrique), hihintayin muna niyang mag-debut ang dalaga dahil bawal pa raw itong makipag-boyfriend.

 “It’s still the same,” sagot ni Quen. “I would say, not like before, I mean, siguro, you know, it develops more. At that point, ‘yung pagiging “ano”, hindi pa pwede sa ngayon. But you know, there’s other priorities we have to prioritize pero we’re in a place now na we’re so happy.

“I’m happy. You know, I mean, label doesn’t really mean anything as long as you guys are so happy, so as long as you’re happy, that really matters,” dagdag ni Quen.

Ano naman ang masasabi ni Liza?

“Masaya po kami na lagi kaming magka­trabaho, it’s really good being with him because the foundation of our friendship, sobrang solid. Tapos, ‘yun. I’m just happy with what’s going on right now,” sabi ni Liza.

 

ACIRC ALIGN ANG DOLCE AMORE ENRIQUE GIL LANG LEFT LIZA SOBERANO NIYA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with