Todo promote din sa ‘Pinas Pia lumabas ang kapilyahan, kumaway-kaway habang nasa ere
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

Cute ang interview kay Miss Universe Pia Wurtzbach sa theme park ng Super Bowl sa San Francisco, California.

Sinubukan kasi ni Pia ang zipline sa theme park at naaliw sa kanya ang mga usisero dahil nakuha pa niya na ipakita ang Miss Universe wave habang nasa ere.

Hindi natakot si Pia na mag-zipline dahil ginawa niya na ito sa Cagayan de Oro. Lumabas ang kapilyahan ni Pia nang sabihin nito sa Pinoy reporter na nag-interview sa kanya na mas masarap mag-zipline sa Cagayan de Oro.

Cute ang pagkakasabi ni Pia na naka­katuwa dahil hindi niya nakakalimutan na i-promote ang Pilipinas, kahit Miss Universe na siya.

Malaking tulong sa tourism industry sa Pilipinas ang madalas na pagkukuwento ni Pia tungkol sa kagandahan ng ating bansa.

Direktor ng Bubble Gang ng dalawang dekada, pumanaw na

Ipinagluluksa ng mga artista at production staff ng Bubble Gang ang pagpanaw kahapon ni Uro dela Cruz, ang direktor ng longest running gag show ng GMA 7.

Liver illness ang ikinamatay ni Uro na na-confine sa ospital pero inilihim niya ang kanyang karamdaman. Malungkot ang stars and production crew ng Bubble Gang dahil sa pagpanaw ni Uro na isang mahusay rin na writer at aktor.

Si Uro ang direktor ng Bubble Gang for twenty years. Nakikiramay ang PM sa mga naulila ni Uro.

Pauleen may updates sa pulu’t gata nila ni Bossing

May mga update si Pauleen Luna tungkol sa Maldives honeymoon nila ni Vic Sotto kaya happy ang kanyang followers dahil parang kasama na rin sila sa pagpupulot gata ng mga bagong kasal.

At dahil feeling involved ang fans, ipinagdarasal nila na mabiyayaan agad ng sanggol ang pagsasama nina Pauleen at Bossing.

Hindi dapat madaliin ng fans ang wish nila na mabuntis agad si Pauleen dahil darating ito sa tamang panahon.

Hindi pagsipot ni Alden sa wedding reception, ‘di dapat gawing isyu

Ewan ko ba kung bakit big deal sa fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang hindi nito pagsipot sa wedding reception nina Pauleen at Bossing.

Ang mahalaga, nakadalo si Alden sa wedding ceremony at sigurado ako na hindi siya nakapunta sa reception dahil sa ibang commitments niya.

Sa mga nagtatanong naman kung umapir si Pia Guanio sa wedding reception, tumataginting na yes ang sagot.

Bukod sa wedding ceremony, nagpunta rin si Pia sa reception pero hindi siya nagtagal. Bawal kay Pia ang magpuyat dahil may Scarlett na naghihintay sa kanya sa bahay nila.

Baguhang si Divine Grace, ginawang sidekick ni Uge

Introducing sa Dear Uge si Divine Grace Aucina, ang mahusay na stage actress na palaging napapanood sa mga drama anthology ng GMA News TV.

Si Divine ang gaganap na sidekick ni Eugene Domingo sa Dear Uge na mapapanood sa GMA 7 tuwing Linggo nang hapon.

Magaling na dramatic actress si Divine pero forte rin niya ang comedy. Ang Dear Uge ang pinakamala­king break ni Divine sa telebisyon.                 

ALIGN ANG BUBBLE GANG DAHIL LEFT NBSP PAULEEN PIA QUOT STRONG URO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with