GMA Artist Center stars magsasama-sama sa isang album
(Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Magsasama-sama ang ilan sa mga kilala at promising singers ng Kapuso Network para sa One Heart, isang charity album sa ilalim ng GMA Records at JUE Entertainment.

Nakatakdang i-release ang One Heart sa February 14. Ito ay kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Julian Trono, Betong Sumaya, Gabbi Garcia, Maricris Garcia, Rita Daniela, Nar Cabico, Ralf King, Lindsay De Vera, at Denise Barbacena.

Ang carrier ng nasabing album ay Sa Puso Mo na isinulat at inareglo ng Korean composer na si Kim Hyun Jik at inawit ng various Kapuso artists.

Ilan din sa dapat abangan ay ang mga kantang Tonight;  Sumigaw, Igalaw;  Kapit Lang; Free; Para Lang Sayo;  Wait A Minute; Panahon;  You Are Never Alone; Love You The Way I Do; at Broken.

Magsisimula ang pre-selling ng digital album sa iTunes ngayong February 7 at bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

BETONG SUMAYA DENISE BARBACENA DERRICK MONASTERIO GABBI GARCIA JULIAN TRONO KAPIT LANG KAPUSO FOUNDATION KAPUSO NETWORK KIM HYUN JIK KRISTOFFER MARTIN ONE HEART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with