Valeen ayaw magpatinag sa ‘nasirang’ pamilya
Jun Lalin (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kahit naiintriga at ini-involve ang pangalan niya sa paghihiwalay ni Ciara Sotto at ng mister itong si Jojo Oconer, mukhang hindi naman natitinag itong si Valeen Montenegro.

Tuluy-tuloy lang ang takbo ng career ni Valeen.

May bago ring series si Valeen sa GMA 7, ang Poor Señorita na pagbibidahan ni Regine Velasquez-Alcasid.

Solenn nakaligtas sa mga intriga

Hindi nakasipot si Solenn Heussaff sa dalawang presscon niya kahapon.

Tanging si Lovi Poe nga lang ang nasa Fantaisie presscon.

Ang Fantaisie ay ang concert nina Solenn at Lovi sa Saturday (February 6) sa Music Museum.

Ang isa pang presscon na hindi nasipot ni Solenn ay ang Love Is Blind ng Regal Entertainment.

Sabi ni Solenn, nasa-sad din siya na hindi makarating sa mga ‘yon, pero talagang hindi na niya kaya. Wala siyang kaboses-boses.

Kailangan ding magpahinga na ni Solenn para maging okay na okay siya sa Saturday.

Mas nakakatakot naman na magtatrabaho pa rin nang magtatrabaho si Solenn at pagdating ng Fantaisie concert nila ay wala pa rin siyang boses, huh!

Buti na nga lang pala at sa February 10 pa ang showing ng Blind Is Blind, kaya makakapag-promote pa rin si Solenn ng pelikula nila nina Derek Ramsay, Kiray Celis at Kean Cipriano.

Mother Lily nai-in love na kay Derek

‘Kaloka talaga si Mother Lily Monteverde sa presscon kahapon ng Love Is Blind.

Napag-usapan ang edad niyang 77.

Sabi ni Mother Lily, sa Chinese raw, 78 na siya dahil may plus one.

Kahit 77 years old na, mukhang malakas pa rin si Mother Lily at iisiping mas bata pa siya.

“Mas babata pa ako kung ide-date ako ni Derek! Hahaha!” natatawang sabi ni Mother Lily tungkol sa male lead niya sa Love Is Blind.

Ayos na ayos din si Mother Lily sa presscon kahapon ng Love Is Blind at ang dialogue niya, dahil kay Derek kaya siya nagbihis ng maganda.

Pero siyempre, biro lang ni Mother Lily ang mga dialogue niya at hindi naman siya ‘yung tipong mai-in love sa artista niya at sa mas bata pa, huh!

ANG ANG FANTAISIE BLIND IS BLIND CIARA SOTTO DEREK DEREK RAMSAY JOJO OCONER KAHIT LOVE IS BLIND MOTHER LILY SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with