Billy walang kamalay-malay sa ginagawang harutan nina Coleen at Joseph
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

True nga kayang hindi pinanonood ni Billy Crawford ang soap ni Coleen Garcia, ang Pasion de Amor?

Well, ito nga raw ang dahilan why he has no idea how sexy and romantic some of Coleen’s scenes are with Joseph Marco.

As far as Coleen is concerned, wala siyang business to argue with the director (referring to Direk Eric Quizon), kung anumang eksena ang ipagawa nito sa kanya, as long as, kumbaga, required ito sa soap.

Kung sabagay, hindi lang sila ni Joseph ang maraming sexy na eksena, na sometimes may tendency for them to go “overboard” sa series. Nandiyan din ang tandem nina Jake Cuenca and Arci Muñoz at Ejay Falcon and Ellen Adarna.

Samantala, official na nga ang “pagkawala” ni Coleen bilang host ng noontime program na It’s Showtime. Magiging abala siya, hindi with another series, ngayong malapit nang magtapos ang Passion de Amor, kung hindi with a movie.

As it is, all set na siya to start work on a new mo­vie with Dawn Zulueta at Piolo Pascual.

Going back to her current relationship with Billy, it’s stable na aniya. Although wala pa sa isipan ng either of them to get married. Lalo na on her part, as she is only 23 years old.

Billy must be in his early 30s naman.

Equally busy with work din si Billy, tulad niya. Aside from It’s Showtime, he is seen twice a week co-hosting with Luis Manzano in the reality program, Pilipinas Got Talent (PGT).

Jurors of PGT are Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin at former ABS-CBN President and CEO, Freddie Garcia.

Ella at Bret naudlot ang relasyon

Now it can be told, Salve A., na naging, for a while, exclusive twosomes sina Ella Cruz and former Pinoy Big Brother (PBB) Circa 2010 housemate na si Bret Jackson. And posibleng naging “sila” nga sana ni Bret, kung hindi niya naisip na baka maging sagabal ang pakikipag-relasyon niya kay Bret sa hangarin niyang sumikat.

Yes, bilang artista.

And obviously Ella proved right, as she is now doing the lead role in the upcoming TV5 series, Wattpad Presents: Ava Maldita, co-starring her with Akihiro Blanco and Donnalyn Bartolone.

As expected, may pagka-maldita ang role sa series ni Ella, kung paano, in the end, siya bumait, iyon daw ang dapat na ma­ging dahilan para subaybayan natin ang series.

Now 19 years old, Ella started her showbiz career as a child actress, with the Kapamilya, network. Three of her biggest projects for ABS-CBN are Super Twins, Majika and Aryanna, where she played the title role.

Isang sirena siya sa Aryanna.

Isabelle hindi napilit maging beauty queen

Anyway you look at it, beauty queen material din si Isabelle Daza, tulad ng kanyang ina na si Gloria Diaz, who, we all know, was our first Miss Universe.

Eighteen years old lang si Gloria when she was crowed as the most beautiful girl in the universe in 1969.

It looks like even Gloria agrees na may potential ngang maging beauty queen ang anak. But it seems, it’s Isabelle who is not interested.

After all nga naman, she is doing well as an actress. Heto at hindi nga naman siya nawawalan ng assignment.

Right now, nakikipag-aktingan siya kina Zanjoe Marudo and Cristine Reyes sa kasisimula pa lang na teleserye, Tubig at Langis.

ACIRC AKIHIRO BLANCO AND DONNALYN BARTOLONE ANG ANGEL LOCSIN AVA MALDITA BILLY CRAWFORD BRET JACKSON COLEEN COLEEN GARCIA DAWN ZULUETA ELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with