Nagsalita na rin sa perang ginalaw daw ni Rocco Lovi umaming loveless na
Jun Nardo (Pang-masa) - February 3, 2016 - 9:00am

Ibubuyangyang nina Lovi Poe at Solenn Heussaff ang kanilang pantasya sa loob ng kuwarto sa concert nilang Fantaisie ngayong Sabado sa Music Museum. Sabi nga ni Lovi sa interview niya sa press, “Less is more! Hahaha!”

“Basta maraming mag-i-enjoy sa hatid na­ming kaseksihan ni Solenn! Hahaha!” dagdag pa ng Kapuso actress.

Natural naungkat kay Lovi ang break up nila ni Rocco Nacino. Wala mang direktang sagot, sabi na lang niya, “Loveless but happy ako!”

Eh ano yung isyu ng joint account daw nila?

“Hindi ko nga alam kung saan galing yon. First of all Rocco is a good guy. Second I am not that person... I am not the type na to put up a joint account with someone I am in a relationship! “Parang I guess I am using my head!” paliwanag ni Lovi.

Sa ngayon focus muna sa trabaho si Lovi. Tinatapos din niya ang movie na Lakambini kung saan kapareha niya si Rocco. Teka friends ba sila ni Rocco?

Isang malakas na halakhak lang ang tugon ni Lovi, huh!

Tinig ng Maynila, naghagilap ng mga isusunod kay Sarah

Kalahating mil­yong piso at recording contract ang naghihintay sa unang Tinig ng Maynila singing contest na proyekto ng Manila City government.

Mula sa programa na Sulong Maynila, ang contest katuwang ang Viva Live Inc. and no less than Mayor Erap Estrada graced the press presentation ng 12 candidates mula sa anim na distrito ng Maynila.

Ayon kay Jackie Ejercito na in charge sa Tinig ng Maynila, layunin nilang makatuklas ng singing superstars mula sa Maynila. Eh sa totoo lang, taga-Sampaloc Manila si Sarah Geronimo na produkto rin ng isang singing contest.

Mapapanood sa TV5 ang delayed telecast ng Tinig ng Maynila. Ang opisyal na venue partners ng Tinig ng Maynila ay ang Dragon 8 shopping Center, Lucky Chinatown at Robinsons Place Manila.

ACIRC ANG HAHAHA JACKIE EJERCITO LOVI LOVI POE LUCKY CHINATOWN MANILA CITY MAYNILA ROCCO TINIG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with