_pang-masa
^

Pang Movies

Feelingera Kiray umayaw makipag-tsugihan kay Zac Efron!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kilig na kilig si Kiray Celis sa final presscon kahapon ng Love Is Blind, ang Valentine’s offering ng Regal Entertainment Inc.

Bakit hindi kikiligin si Kiray eh nasa pagitan siya nina Derek Ramsay at Kean Cipriano? Feel na feel ni Kiray ang special attention na ibinigay sa kanya ng leading men ng Love Is Blind dahil siya lamang ang babae. Wala si Solenn Heussaff na pahinga muna dahil walang boses.

May kaba na nararamdaman si Kiray sa nalalapit na showing ng Love Is Blind dahil ito ang biggest break niya sa pelikula.

Ayaw daw niya na isipin ng mga tao na pang-trailer lang ng Love Is Blind ang kanyang funny performance sa Valentine movie nila nina Derek, Kean at Solenn.

Sineryoso ni Kiray ang tanong sa presscon tungkol sa Hollywood actor na si Zac Efron. Walang takot na sinabi ni Kiray na hindi nito type na makipagtsugihan kay Zac. Type ba naman ni Zac na makatsugihan ang feeling beautiful na young comedienne?

May launching movie na pala si Kiray, ang I Love You To Death. Horror comedy ang pelikula na pagbibidahan ni Kiray at ang Regal Entertainment, Inc. ang producer.

Sunshine tameme sa pagbasura sa ikinaso kay Cesar

No comment pa ang kampo ni Sunshine Cruz tungkol sa pagbabasura ng Quezon City Prosecutors Office sa child abuse case na isinampa ng aktres laban sa kanyang mister na si Cesar Montano.

Ang sey ng lawyer ni Sunshine, hindi pa raw nila natatanggap ang kopya ng resolution na nilagdaan ni Assistant City Prosecutor Ferdinand Baylon.

Hindi pa rin nagbibigay ng komento si Cesar pero expected na maglalabas siya ng official statement tungkol sa good news.

Sa true lang, hindi na kailangan ni Cesar na magsalita dahil nang pumutok ang balita na gumawa siya ng kalaswaan sa harap ng kanyang mga anak, walang naniniwala dahil kahit may playboy image si Cesar, responsible at hindi siya malaswa na tao.

Heart at Sen. Chiz, sa Sorsogon mag-a-anniversary

Sinabi ni Heart Evangelista sa successful launch ng exhibit na Oceans Apart sa Ayala Museum na thankful siya sa mga blessing na dumating sa kanya noong 2015, lalo na ang reconciliation nila ng mga magulang niya.

Maraming dapat ipagpasalamat si Heart tulad ng pagkakasundo nila ng kanyang mga magulang na hindi boto noon kay Papa Chiz Escudero.

Iniiwasan nina Heart at Papa Chiz na mabahiran pa ng pulitika ang plano nila na renewal of wedding vows na nakatakda sana sa Feb. 15 kaya hindi na ito matutuloy.

“Ayaw kasi namin na mabig­yan ng kulay ang isang magandang bagay. Hindi rin siya timing kahit gusto namin,” ang sey ni Heart.

Kasado na ang plano ng mag-asawa na magdiwang ng Valentine’s Day at first wedding anniversary nila sa Sorsogon.

Simple lang ang gusto ni Heart na wedding anniversary celebration dahil magdiriwang din siya ng 31st birthday sa February 14, sa piling  ng  kanyang mga mahal  sa buhay

“Pupunta kami sa  Sorsogon  tapos salubong na rin sa wedding anniversary namin. Masaya naman na ako sa ganoon eh. Andun ‘yung mga kaibigan ko, ‘yung mga kapatid ko,” ang so happy na pahayag ni Heart.

 

ACIRC ANG ASSISTANT CITY PROSECUTOR FERDINAND BAYLON AYALA MUSEUM HINDI KIRAY LOVE IS BLIND MGA NBSP SIYA SORSOGON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with