_pang-masa
^

Regine wala nang urungan ang pagiging dukhang senyorita!

Jun Nardo (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Plantsado na ang pagbabalik sa pag-arte ni Re­gine Velasquez-Alcasid. Huli siyang napanood sa Ka­puso series na ro­man­tic-comedy, ang I Heart You Pare na hindi niya natapos dahil ipinagbubuntis niya noon ang anak na si Nate.

Eh, matapos ipanganak ang panganay nila ni Ogie Alcasid, natengga na si Reg sa pag-arte. Mas binigyang halaga niya ang pag-aalaga sa anak kesa acting career. Mas type na nga lang sana niyang kumanta nang kumanta.

Siyempre, pang-primetime ang series ni Regine. Poor Senorita ang title ng programa niya at si Direk Dominic Zapanta ang mamamahala. Kasama niya sa cast sina Mikael Daez, Sheena Halili, Kevin Santos, Valeen Montenegro,  Jaya, Ervic Vijandre, Jillian Ward at Starstruck survivors Ayra Mariano at Elysson de Dios.

Marso ang target telecast ng Poor Senorita.  Tatapusin muna ni Songbird ang Feb. 13 and 14 Valentine show niyang Royals with Martin Nie­vera, Erik Santos at Angeline Quinto.

Hindi magtatagal sa pulu’t gata, bagong kasal lilipad pa-Maldives

Ngayon ang lipad ng bagong kasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa Maldives para sa kanilang honeymoon. Pero ayon sa pahayag nila, hindi naman sila masyadong magtatagal sa bansa na ‘yon dahil balik-trabaho agad sila sa Eat Bulaga.

Iwas muna kasi sa paggawa ng teleserye si Poleng dahil priority niya ang role niya ngayong bilang Mrs. Vic Sotto. Kung inyong mapapansin, lahat ng napangasawa ng isang Sotto ay lie low sa career at sa asawa at magiging pamilya ang konsentrasyon gaya nina Helen Gamboa na asawa ni Sen. Tito Sotto at Kristine Hermosa na asawa ni Oyo Sotto.

After nga pala ng wedding, nag-post ng pasasalamat si Poleng sa kanyang Instagram   sa mga kapatid at anak ni Bossing.

“To Vic’s children and to his brothers for being so supportive and for all the love! We love you!”

Heart maglalabas na rin ng sariling tatak ng make up

Patuloy ang pamamayagpag ng artistic side ni Lovie Marie Ongpauco-Escudero. Magandang balita kasi ang natanggap niya kamakailan lang tungkol sa benta ng sinulat na libro, ang This is Me! Isa ito sa best sellers na book sa National Bookstore ngayon, huh!

Eh, nang pumasyal si Heart sa NSB, nakita niya sa rack ng best sel­lers na aklat ang This Is Me. Napa-wow siyempre si Mrs. Escudero dahil hindi niya inakalang masugid na tatangkilikin ng readers ang sinulat niya.

Agad-agad nagdesisyon si Heart na gawing line of make up ang This is Me. This early, gagawin na niya ito upang sumaktong pang-give aways sa susunod na holidays.

Ang isa pang skill ni Heart na nabibigyan niya ng mas mara­ming oras ngayon ay ang kaalaman niya sa pagpipinta. Pinagkaguluhan muli ang fourth solo exhibition niya sa Artist Space sa Ayala Museum na naka-display pa hanggang ngayon doon. Sold out na ang mga nasabing painting.

Pero kung meron pang hinihintay si Mrs. Escudero, ‘yun ay ang nalalapit na election campaign. Na-excite kasi siya sa kuwento ng asawang si Sen. Chiz Escudero na naglilibot sa buong bansa kaugnay ng pagtakbo niya bilang Vice President.

Naikuwento ni Sen. Chiz ang magagandang lugar na nabisita na niya. Kaya naman kapag walang trabaho sa GMA, nais sumama ng Kapuso actress sa paglilibot.

Nangunguna sa surveys sa VP aspirants si Sen. Escudero nga­yon. Naku, sa pagsama ni Heart sa kanya sa ilang probinsiya, tiyak na lalamang na nang milya-milya niyan si Sen. Chiz!

ACIRC ANG ANGELINE QUINTO ARTIST SPACE AYALA MUSEUM AYRA MARIANO CHIZ MRS. ESCUDERO NIYA POOR SENORITA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with