Pia at Maine naging game sa mga bisita nina Pauleen
Jun Lalin (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines –As expected, sina Pia Wurtzbach at Maine Mendoza, ang mas pinagkaguluhan sa reception ng kasalang Vic Sotto-Pauleen Luna.

Napakarami raw nagpa-picture kasama sina Pia at Yaya Dub.

Pareho naman daw game sina Pia at Yaya Dub sa mga bisita sa event na ‘yon na gustong magpa-picture kasama nila.

Solenn at Lovi, may itinatago

Sa Saturday na ang Fantaisie concert nina Solenn Heussaff at Lovi Poe sa Music Museum.

Wala pa ring pa-presscon para sa nasabing concert, kaya may mga nagtataka at nagsasabing baka umiiwas magpainterbyu ang dalawa.

Pero ang alam ko, abala lang masyado ang dalawa sa rehearsals para sa Fantaisie concert nila.

Sabi pa ng isang malapit sa kanila, wala naman daw silang dapat iwasang kahit na anong issue!

Julia hindi na raw makakabalik sa EB?!

Nakakaloka ang mga nang-iintriga kay Julia Clarete dahil sa pagkawala niya sa Eat Bulaga.

Ang iba, parang pinipilit pa na si Julia ang other woman kaya naghiwalay si Ciara Sotto at ang mister nito na si Jojo Oconer.

Parang pinalalabas nila na ang intrigang ‘yon ang dahilan kung bakit nawala sa Eat Bulaga si Julia, huh!

Pero nilinaw nga mismo ng mga taga-Eat Bulaga na maayos na nagpaalam si Julia sa kanila at walang kahit na anong issue na kasangkot ng pagkawala sa show ng TV host/actress/singer.

“Maayos ang pagpapaalam niya,” paglilinaw ng isang boss ng TAPE, Inc.

“Hindi nga ba at nag-post pa si Ciara ng video na dinalaw siya ni Julia? Umuwi pala si Julia dahil sa isang gig at hindi nga namin alam, pero sila ni Ciara, nagkita.

“Magkaibigan ang dalawa at walang kinalaman si Julia sa problema ni Ciara at ng mister niya!” paglilinaw pa ng kausap ko.

Samantala, wala naman daw katotohanan ‘yung napapabalitang sinabihan si Julia ng isang boss ng Eat Bulaga na kung hindi ito pakakasalan ng boyfriend, puwede itong bumalik ng ‘Pinas at makasama uli sa kanilang noontime show.

“Wala, walang ganoon. Ako, hindi ako nagsabi ng ganoon kay Julia. Hindi ko sasabihin ‘yon dahil mabait naman ang boyfriend ni Julia at tiyak na magiging masaya sila.

“Kung hindi naman okay ang relasyon nila, hindi naman magpapaalam si Julia sa Eat Bulaga at pupuntahan sa ibang bansa ang boyfriend niya,” paliwanag ng TAPE, Inc. boss na nakausap ko.

So there!

ACIRC ANG CIARA CIARA SOTTO EAT BULAGA HINDI JOJO OCONER JULIA JULIA CLARETE LOVI POE YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with