^

Pang Movies

Maine tocino ang paboritong iluto

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang phenomenal star na si Maine Mendoza ay masasabing nasa isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay niya ngayon.  Nagsimulang makilala si Maine kalagitnaan ng taong 2015 at simula noon, hindi na nga matatawaran ang kasikatan ng dalaga.

Isang pangarap lang dati kay Maine ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

“Never kong inakala na makararating ako sa lugar na ‘to. I am doing what I really want to do and I am very thankful because of that.”

Ang pagiging You Tube sensation ni Maine ang unang naging daan para mapansin at makapasok siya sa Eat Bulaga at makilala at minahal ng buong bansa o  buong mundo nang magsimula ang “love story” nila ni Alden Richards sa kalyeserye.

Sa pagiging in demand, alam na rin ni Maine na hindi rin daw ito ganoon kadali, “Not as easy as I thought it was,” pag-amin niya.

“I must admit that it is physically-tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”

Simula nang sumikat, halos si Maine na ang laman ng lahat ng mga magazine covers kunsaan, nakakapag-experiment pa siya ng iba’t-ibang fashion and styles.  At walang-duda, si Maine rin ang naging isa sa pinakapaboritong celebrity endorser—sa mahigit anim na buwan lang niya sa showbiz!  At isang bagay ito na talagang sineseryoso at pinaniniwalaan ni Maine.

Sabi nga ni Maine, “I have to set an example because of all the personalities that we have, they still chose me to represent their product.”

May sarili rin “rules” si Maine sa pagpili at pagtanggap ng mga produktong ieendorso niya.  Aniya, “I should make sure that the products I endorse are of high quality because I know that having me as their endorser will affect people’s choices.”

Kaya ganun na lang ang tuwa at pagmamalaki ni Maine nang malaman niyang siya ang napili ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino na maging celebrity endorser.

“I got excited because this is another blessing and opportunity for me,” pag-amin niya.

Isang malaking factor kay Maine sa pagtanggap niya sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino na i-endorso ay ang katotohanan na noon pa man, isa na siyang “fan” ng naturang brand ng tocino na gawa sa young pork at walang salitre.

Ayon pa kay Maine, “It’s delicious. Talagang tender ito dahil gawa ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa young pork at hindi sa inahing baboy. Hindi malitid. It’s easy to cook too! Walang ka-hassle hassle i-prepare! Hindi siya nag-i-istick sa pan hindi katulad ng ibang brands!”

“CDO Funtastyk Young Pork Tocino has low shrinkage when cooked compared to other brands with high shrinkage. ‘yung iba, sobrang lumiliit kapag niluluto. Turn off.” pagtatapos ni Maine.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANIYA

AYON

EAT BULAGA

FUNTASTYK YOUNG PORK TOCINO

ISANG

MAINE

MAINE MENDOZA

YOU TUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with