Nora hindi na sinipot ang pagsasara ng Walang Tulugan
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 30, 2016 - 9:00am

Saglit na nabuhayan ng loob ang mga host at talent na naiwan ni Kuya Germs Moreno sa show ng Walang Tulugan with the Master Showman, nang  sabihin ni Nora Aunor na willing siyang ipagpatuloy ang nasimulan ni Kuya Germs.

Sa last taping ng Walang Tulugan, iba-iba ang naging reaction ng mga host, talents, at production people ng show ng GMA 7. 

May mga bagets na talents sa show na in denial pa at hoping na magbabago ang desisyon ng manegement, pero ang lahat ng hosts ay nakahanda na sa pagtatapos na Walang Tulugan.

Pinipilit maging masaya ng lahat sa last taping ng show last Friday sa GMA studio kahit ang production people, pero ramdam pa rin ang lungkot ng set. Iisa ang sinasabi sa kanilang mga spiels na tuloy ang buhay dahil iyon ang bilin sa kanila ni Kuya Germs. Hindi titigil ang ikot ng mundo ng showbiz dahil maraming bituin ang nagpapakinang nito.

Kahit gusto ni Ate Guy na ipagpatuloy ang Walang Tulugan na sinimulan ni Kuya Germs, ang mga GMA 7 bossing pa rin siyempre ang nagdesisyon.

Lahat ay wish na ipagpatuloy ni Nora ang show, pero ang tanong ng karamihan ay kung kaya ba ni Ate Guy ang ginagawa ni Kuya Germs.

Kaya bang magpaluwal ni Nora sa rami ng mga alaga ni Kuya Germs sa Walang Tulugan bukod pa sa mga host.

Pero wala sa last taping ng Walang Tulugan si Ate Guy nung Friday na malamang ay alam na rin ang desisyon ng GMA 7 management.

ANG ATE GUY GERMS IISA KUYA GERMS KUYA GERMS MORENO MASTER SHOWMAN MGA NORA NORA AUNOR WALANG TULUGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with