Tiyak madaling makakalimutan si Luis, Angel magiging abala sa pelikula
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 30, 2016 - 9:00am

May gagawin na pelikula sina Anne Curtis, Paulo Avelino at Angel Locsin.

Co-production venture ng Star Cinema at Viva Films ang project na untitled pa.

Makakatulong kay Angel ang pagiging busy sa shooting ng Star Cinema at Viva Films movie para mabawasan ang sadness na nararamdaman niya na bunga ng ‘break up’ nila ni Luis Manzano.

Si Ruel Bayani ang direktor ng Anne-Paulo-Angel starrer na isang adult drama movie.

Derek gagawa rin ng pelikula sa Viva

Nasa planning stage na rin ang new movie project ng Viva Films para kay Derek Ramsay.

Inihahanda na ang script at nakausap na rin ng mga bossing ng Viva Films si Derek na hindi nag-second thought na tanggapin ang movie offer na gustung-gusto niya.

Ken at Coco, binagayan ang pagiging transgender

Tuwang-tuwa si Ken Chan dahil ikinukumpara siya kay Coco Martin na nagpapanggap na babae sa Ang Probinsyano.

May reason para matuwa si Ken dahil Coco Martin is Coco Martin.

Pinagtatalunan kasi ng fans kung sino ang mas maganda sa dalawa, ang karakter ni Ken na si Destiny Rose o ang Paloma role ni Coco sa Ang Probinsyano.

May audience o followers ang mga tunay na mhin na gumaganap na transgender women sa TV at ebidensya ang bonggang ratings ng mga teleserye nina Ken at Coco.

Hit na hit sa televiewers ang pagganap na babae ng dalawang aktor. Kahit effective ang kanilang mga portrayal, never na pinagdudahan ang sexual preference nina Ken at Coco.

Mark at Shy, nakilala na ang creator ng Tasya

Nagkita-kita sa Viva Films office noong Biyernes sina Mark Neumann, Shy Carlos at ang Golden Lions couple na sina Carlo Caparas at Donna Villa.

Sina Mark at Shy ang mga bida sa television remake ng Tas­ya Fantasya at si Papa Carlo ang creator ng karakter ni Tasya.

Tuwang-tuwa sina Mark at Shy dahil na-meet nila nang personal ang mag-asawa. Overwhelmed ang dalawang bagets sa mga papuri sa kanila nina Papa Carlo at Mama Donna.

Richard nagpapayat ng husto para sa Panday

Na-sight din sa Viva Films office ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez.

Pinag-usapan nina Boss Vic del Rosario, Papa Carlo, Papa Donna at ng mag-inang Bisaya at Richard ang mga plano tungkol sa Ang Panday, ang television comeback ni Richard.

Pinakamalaking project ng TV5 at Viva Communications Inc. ang Ang Panday kaya gustong makasiguro ng mga produ na magkakaroon ng public awareness tungkol sa pagbabalik ni Richard sa telebisyon.

Ang sey ni Papa Carlo, perfect choice si Richard para magbigay-buhay sa karakter na pinasikat ni Fernando Poe, Jr.

Nagulat ang mga reporter na nakakita kay Richard sa Viva Films office dahil physically fit siya. Wondering sila sa sikreto ng napakaganda na katawan ni Richard na talagang pinaghandaan ang role niya sa Ang Panday.

Stars ng bagong shows ng TV5, nasa Market! Market!

Reminder please, ngayong hapon ang grand caravan show sa Market! Market! Taguig City ng mga bagong programa ng TV5 at Viva.

Ito ang bihirang pagkakataon na makakasama nang personal ng fans ang mga star ng Tas­ya Fantasya, Bakit Manipis Ang Ulap, Born To Be A Star, WattPad Presents at MTV.

In full force na makikisaya ang mga artista ng Viva sa lahat ng pupunta sa Market! Market!

Masusundan pa ang mga mall show ng mga bida ng mga bagong television show ng TV5  na dapat abangan at panoorin.

ANG ANG PANDAY ANG PROBINSYANO COCO MARTIN MGA PAPA CARLO RICHARD STAR CINEMA STRONG VIVA VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with