^

Pangarap ni Ate Vi, malabo nang magkatotoo

Vir Gonzales (Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sana naman hindi totoo ang mga sitsit na break na sina Angel Locsin at Luis Manzano.

Kung kelan nabalitang malapit nang magpakasal ang dalawa, tsaka naman sila biglang nag-break. Paano na ang pangarap ni Gov. Vilma Santos?

Tiyak na mabibitin siya, handang-handa pa naman nang magka-apo ang butihing governor. Pero teka, totoo kayang matagal nang nagkakalabuan ang dalawa?

Hinihintay na lang daw nilang matapos ang pelikula nina Ate Vi at Angel.

JaDine lalo pang sisikat

Maswerte sina Nadine Lustre at James Reid, sila kasi ang bagong paborito ng Kapamilya network kaya tiyak ang kanilang pagsikat. Dapat ay sa GMA 7 mapupunta ang dalawa pero hindi ata sila nakitaan ng Kapuso ng potensyal.

Parang ang AlDub lang yan na nag-try sa ABS-CBN pero hindi rin inakalang tatabo ng maraming pera sa takilya. Marahil nasa ibang network talaga ang kanilang mga kapalaran.

Imbes na kaawaan, Sheryl nagmukhang katatawanan SA HABA NG DIALOGue

Magaling umarte si Sheryl Cruz lalo na pagdating sa drama pero sa teleseryeng Buena Familia ay parang walang naawa sa pagganap niya. Sa haba kasi ng dialogue niya ay parang nagiging katatawan na lang ang kanyang pag-iyak. Sana naman sa mga teleserye writer, ‘wag masyadong mahaba ang pag-iyak ng karakter  nila, nagiging katatawanan tuloy ang mga artista, please lang po.  

ANG ANGEL LOCSIN ATE VI BUENA FAMILIA JAMES REID LUIS MANZANO NADINE LUSTRE QUOT SANA SHERYL CRUZ STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with