Regine hindi makalimutan ang ginawa ni Martin noon
Jun Lalin (Pang-masa) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kung hindi pa ikinuwento ni Martin Nie­vera, hindi malalaman ng entertainment press na katulad ng Royals concert co-artists niyang sina Erik Santos, Angeline Quinto at Regine Velasquez-Alcasid, ay produkto rin siya ng isang talent contest.

Sa Santa Clara, California ginanap ang ta­lent contest na sinalihan ni Martin at four days straight ‘yon.

Ayon kay Martin, walang masyadong nakakaalam ng tungkol sa bagay na ‘yon at kasama niyang sumali roon ang dating girlfriend na Holiday ang pangalan.

Sa presscon lang ng Royals noong isang araw naikuwento ni Martin ang tungkol doon dahil natanong siya kung ano ang napi-feel niya na sina Erik, Angeline at Regine ay pare-parehong produkto ng talent contest.

Tina-try nga raw i-Google ni Martin ang tungkol sa sinalihang talent contest, pero wala siyang makuhang result tungkol doon.

Samantala, sa presscon pa rin na ‘yon ng Royals ay naikuwento ni Regine na si Martin ang unang tumawag sa kanya ng Regine sa isang guesting niya.

That time raw, Chona Velasquez pa ang ginagamit niya at after maisipan ng dating manager niya na si Ronnie Henares na gawing Regine ang pangalan niya, ang unang guesting niya ay sa show ni Martin at doon na nga siya in-introduce ng concert king bilang Regine Velasquez.

Marami pang mga kuwento si Regine noong nagsisimula pa lang siya at hindi niya makakalimutan ‘yon, kaya naman kapag may mga baguhang singers na nagpapatulong sa kanya ngayon, hindi raw siya nagdadamot sa mga ‘yon.

Ang pagiging matulungin ni Regine ang isa sa gustung-gusto sa kanya ni Angeline at ‘yung bagay rin na ‘yon ang gustung-gusto naman ni Erik kay Martin!

Yassi hindi pa exclusive sa TV5

Exclusive pala sa Viva Artists Agency si Yassi Pressman at hindi niya alam kung magiging exclusive ba siya sa new TV5.

Basta masaya raw siya sa sinasabing after Nadine Lustre ay siya naman ang pasisikatin ni Boss Vic del Rosario.

Sa ngayon, may episode si Yassi sa MTV Wattpadd ng TV5.

May launching movie na rin si Yassi kapareha si Andre Paras, ang Girlfriend For Hire.

Nakakatuwa raw ang tiwalang ibinibigay ni Boss Vic at ng Viva sa kanya, kaya wala na raw mahihiling pa si Yassi.

Akihiro may tiyuhin ding aktor

Pamangkin ni James Blanco ang TV5 young actor na si Akihiro Blanco, pero hindi raw ang kanyang uncle ang nag-convince sa kanya na mag-artista.

Ayon kay Akihiro na isa sa stars ng MTV Wattpat ng TV5, noong una raw ay wala talaga siyang balak na pasukin ang showbiz at naisipan lang daw niyang mag-try.

Sa ngayon, isa si Akihiro sa itinuturing na promising young actors ng TV5.

ACIRC AKIHIRO AKIHIRO BLANCO ANG BOSS VIC MARTIN NIYA RAW REGINE SIYA YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with