^

Pang Movies

Kahit labag sa batas Darren pinagpistahan sa masagwang litrato

Jun Nardo - Pang-masa

Pinagtatalunan ng ilang netizens kung totoong ang teen singer na si Darren Espanto ang nasa picture na lumabas sa social media kahapon. Masag­wa kasi ang kuha sa picture dahil may kasamang lalaki ang diumano’y si Darren na hubad din at nakapatong din sa lalaki, huh!

Mabuti na lang, kalaha­ting katawan lang ang mga pictures at walang private parts sa kanila. Pero landian ang eksena nila sa litrato, huh!

Si Darren man ‘yun o hindi, walang budhi naman ang naglabas nito at pinatutungkulan ang teen singer. Labag sa batas ‘yan! Maawa naman sila sa bata, huh!

Sen. Grace tiwalang hindi iiwan ni Chiz

Pinagtatawanan lang ni Senator Grace Poe ang tsismis na hiwalay na sila ng asawa niya. Guest kahapon ng umaga ang tumatakbong Presidente sa radio program ni Mike Enriquez sa DZBB.

Eh, hindi naman stage husband ang asawa ng seandora lalo na nga nu’ng una siyang manilbihan bilang senador. Kaya naman kung sakaling manalo siya bilang Presidente, sigurado raw siyang hindi mang­hihimasok ang asawa niya bilang First Gentleman.

“At least, guwapo ang ating magiging First Gentleman!” biro ni Sen. Grace kay Mike.

Idinipensa rin ng senadora ang running mate niyang si Senator Chiz Escudero. Kaibigan ang turingan nila sa isa’t isa kaya may tiwala siya sa kaibigan na hindi siya iiwanan anuman ang mangyari sa disqualification cases niya.

Gumawa ng float ng Miss U, biglang-sikat

Instant celebrity si Fritz Silorio na may design at gawa ng Miss Universe float na inirampa sa buong Kamaynilaan kahapon. Patterned sa Miss Universe crown ang design at kulay ng float.

Simple but elegantly beautiful ang sinakyang ten-wheeler na karosa ni Pia Wurtz­bach.

Ang isang nakaaaliw sa Grand Homeco­ming Parade, maging ang escort na MMDA traffic enforcers, may dalang blue and pink balloons at flaglets ng Philippine flag, huh!

Sa totoo lang, mas maraming excited sa homecoming parade ni Pia kesa sa death anniversary ng Mamasapano tragedy at ng yumaong Presidente Cory Aquino kahapon, huh!

Pia pangarap makatambal si James Bond

Still on Pia, dadalo raw siya sa kasal ng kaibigang Pauleen Luna at ni Vic Sotto ngayong Sabado sa Alabang church. Hindi nga lang niya tiniyak kung sa church o sa reception ang punta niya.

Gayunpaman, sa isang report, nagpahayag si Pia ng mensahe kay Vic. “Take care of her!”

Sa January 31 ang balik ni Pia sa Amerika na type ring maging bahagi ng showbiz doon at pa­nga­rap maging leading lady ni James Bond.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DARREN ESPANTO

FIRST GENTLEMAN

FRITZ SILORIO

GRAND HOMECO

JAMES BOND

MIKE ENRIQUEZ

MISS U

MISS UNIVERSE

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with