^

Aktres nag-iilusyong makipagtsugian sa ka-loveteam

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

Nabigo ang isang aktres na i-link ang sarili sa aktor na kapareha niya sa teleserye.

Ang akala yata ng aktres, thrilling kung magkakaroon ng romantic angle ang pagtatambal nila ng aktor.

Ang hindi niya alam, diring-diri ang fans dahil kung kailan tumanda, saka nag-ilusyon ang aktres na magkaroon ng ka-loveteam kesehodang mas­yonda na rin ang leading man niya.

May mga sitsit na nagtikiman ang aktres at ang aktor noong mga bagets pa sila kaya feeling desi­rable ang girl na nag-iilusyon pa rin yata na magkakaroon ng sequel ang kanilang tsugihan portion.

Kahit nagdulot ng matinding trapik Pia hindi kinaimbyernahan, sinalubong ng hiyawan at palakpakan

Lumikha ng traffic ang grand homecoming parade kahapon ni Miss Universe Pia Wurtzbach pero hindi nagreklamo ang mga motorista dahil gusto rin nila na ma-sight nang personal ang third Pinay Miss Universe.

Masigabong palakpakan, hiyawan at mga confetti ang sumalubong kay Pia na maligayang-maligaya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng madlang-bayan.

Sari-sari ang mga eksena ng mga kababayan natin para makuha nila ang atensyon ni Pia. May mhin na sinuotan ng royal blue gown at korona ang kanyang pet dog dahil royal blue ang kulay ng gown ni Pia nang mag-win ito sa Miss Universe.

Royal blue na Filipiniana gown ang outfit kahapon ni Pia sa ticker tape parade dahil sa kanyang paniniwala na royal blue ang lucky color niya.

May mga usisero na kiyeme-kiyemeng naiyak nang makita nila si Pia dahil feeling confidently beautiful with a heart din ang kanilang drama.

Hawak-hawak at iwinawagayway ni Pia ang maliit na Philippine flag habang binabagtas ng float na sinasakyan niya ang ruta ng homecoming parade.

Kasama ni Pia sa pag-uwi sa Pilipinas ang isang executive ng Miss Universe na tuwang-tuwa dahil hindi ito makapaniwala na big deal sa mga Pinoy ang Miss Universe.

Feel na feel ng Miss Universe Organization executive ang hospitality na ipinatikim sa kanya ng mga Pilipino.

 

ACIRC ANG DAHIL FILIPINIANA HAWAK MGA MISS UNIVERSE MISS UNIVERSE ORGANIZATION MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH PIA PINAY MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with