Pagkatapos mag-uwi ng karangalan sa bansa, Pia walang ligtas sa buwis!
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muntik pang maiyak sa tuwa si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach noong makalapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan.

Sinalubong naman siya ng mga taong naghihiyawan na matyagang naghintay kahit pa ala-sais pa lang ng umaga.

Hindi raw pala nakatulog sa eroplano ang dalaga dahil sa sobrang excitement na maiuwi ang karangalang handog para sa Pilipinas.

Ang nakakadismaya, kararating pa lang ni Pia ay kaagad nang pinag-uusapan ang tax na ipapataw sa kanyang mga napanalunan.

Hindi ba’t nakaka-turn off na singilin agad-agad ang ating Miss Universe gayung 42 years natin itong hinintay? Grabe naman! Dapat nga libre na si Pia dahil sa karangalang kanyang naiuwi.

Ba’t ba ganito sa Pilipinas, pati ‘yung mga atletang nag-uwi ng karangalan ay walang ligtas sa tax kahit pa sariling gastos nila ang pag-alis ng bansa? Saan naman kaya nila dadalhin ang tax na kanilang hinihingi?

Dating sexy actress na si Barbara Milano, may stalker pa!

May stalker pala ang dating seksing aktres at konsehala na si Barbara Milano. Natakot daw siya kaya ini-report niya agad ito sa may-ari ng condo na kanyang tinitirahan.

Bata pa raw ang kanyang stalker at marahil kilala siya nito bilang si Barbara Milano.

Minsan sa isang airport ay may isang taong ayaw daw siyang tantanan sa katatanong kung ano ang pelikula niya ngayon, si Barbara kasi ang isa sa pinakamagandang face sa showbiz, hindi nga ba’t nabalita siyang naging GF ni P-Noy noong hindi pa ito presidente.

ANG BARBARA MILANO BATA DAPAT GRABE MINSAN MISS UNIVERSE MISS UNIVERSE PIA ALONZO WURTZBACH MUNTIK NATAKOT PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with