^

Vic at Pauleen excited nang i-level up ang relasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

For the first time ay nasaksihan ng marami ang pagiging teary-eyed ni Vic Sotto sa naganap na pre-wedding special nila sa Eat Bulaga noong nakaraang Sabado.

Sa pagkakakilala namin kay Bossing Vic, simple lang ito at hangga’t maaari ay manatili na lang sikreto at pribado ang kasal nila ni Pauleen Luna.

Pero nakakagulat nga na pumayag siya na mabigyan ng pre-wedding special dahil na rin sa pagmamahal niya kay Pauleen.

Mas maganda sana kung present din sa naturang special ang mga anak ni Vic na sina Danica, Oyo, Vico at Paulina Sotto. Nabanggit naman ni bossing na dumaan siya at ng kanyang mga anak sa matinding pag-uusap dahil sa desisyon niyang magpakasal ulit.

Nagpapasalamat si Vic sa kanyang mga anak dahil natanggap na nila si Pauleen bilang bagong partner niya sa buhay.

Dinadaan na lang nga sa tawa ni bossing ang pag-iyak niya. Hindi kasi maipakita ni Vic sa publiko ang kanyang emosyon.

Pero bilang patunay sa pagmamahal niya kay Pauleen, naglabas siya ng kanyang tunay na nararamdaman.

Ayon pa sa bride-to-be na si Pauleen: “Our hearts are overflowing with joy! Thank you all to the well wishers!

“We are so excited to take our relationship a notch higher! Salamat sa lahat ng Dabarkads, sa suporta.

“And thank you Eat Bulaga for making this day so special for us! We will never forget! Thank you! 1 week to go!”

Andre inspired sa dalawang babae

Parang saksakan ng guwapo si Andre Paras dahil sa dalawang ka-loveteam niya ngayon.

Sa TV ay click ang team-up nila ni Barbie Forteza at sa movies naman ay tanggap ang tandem nila ni Yassi Pressman.

Sinisiguro nga ni Andre na hindi makakaapekto sa fans nila ni Barbie na AnBie ang movie nila ni Yassi na Girlfriend For Hire under Viva Films and SMDC.

“What’s so good about the AnBie and Yandre fans, they don’t clash with one another.

“Okey sa kanila and they are supporting each other. Ang ganda, ‘di ba? Walang stress at walang problema. Good vibes lang lahat tayo, ‘di ba?

“Yun naman ang gusto namin ni Barbie and Yassi, na magkakasundo ang mga fans namin.

“I know that the AnBie fans will go and watch ang movie namin ni Yassi. It’s all good with everybody,” ngiti pa ni Andre.

Wala rin daw problema between Barbie and Yassi dahil magkaibigan naman ang dalawa.

“It’s nice to know that I have good friends like Barbie and Yassi.

“We all work professionally and we all have fun doing our jobs.

“Yun ang gusto sa kanilang dalawa. Kahit na under pressure, both girls do their jobs very well at nakaka-inspire iyon para sa akin,” pagtatapos pa ni Andre Paras.

Dating miyembro ng Backstreet Boys na si Nick Carter, inaresto

Nagsalita na ang former Backstreet Boys na si Nick Carter tungkol sa naganap na pag-aresto sa kanya sa isang bar sa Florida may dalawang linggo nang nakakaraan.

Inaresto si Carter noong January 13 dahil sa “suspicion of misdemeanor battery” na nagsimula sa isang gulo sa bar na Hog’s Breath Saloon in Key West.

Nakulong si Carter nang magdamag at nakalabas ito dahil sa bail bond na $1,500. He pleaded “not guilty” sa nangyaring gulo.

“I am human and at times it can be a struggle to balance a healthy lifestyle,” tweet pa ni Carter noong makalaya siya.

“I’m not perfect and for that I am sorry. When we fall we have to get up and keep on walking.

“I hope you stay by my side and continue to walk with me.”

Kung ma-convict si Carter sa kasong battery, he will receive a maximum sentence of one year in jail or one year of probation, plus a $1,000 fine.

Ang kanyang arraignment ay sa February 8.

ACIRC ANDRE PARAS ANG BACKSTREET BOYS BARBIE AND YASSI BARBIE FORTEZA BOSSING VIC BREATH SALOON EAT BULAGA NICK CARTER PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with