^

Kahit madapa pa Susan hindi mapipigilan sa pagdamay sa anak

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

Kahit pareho na kami ni Susan Roces na mga senior citizen, hindi siya mapigilan na samahan ang anak na si Senator Grace Poe sa pag-iikot sa bansa.

Ikinukuwento ni Mama Grace na madalas na nagtatanong ang kanyang ina kung kailan ba ito isasama sa pag-iikot sa mga probinsya.

“Matagal na niyang sinasabi, kailan ba ako sasama sa Cebu? Kasi matagal na siyang hindi pumupunta rito,” ang kuwento ni Mama Grace tungkol kay Manang Inday sa isang press conference sa Cebu na dinaluhan niya noong Biyernes.

“So kasama ang Cebu sa kanyang bibisitahin at siyempre, ang Bacolod dahil taga-roon ang mommy ko,” ang sey ni Mama Grace.

Nang humarap siya sa Supreme Court noong January 19 para sa oral arguments tungkol sa disqualification case laban sa kanya, hindi pinabayaan si Mama Grace ng nanay niya.

Kesehodang malayo ang distansya, tiniis ni Manang Inday ang paglalakad para damayan ang anak sa mga pagsubok na pinagdaraanan nito. Mismong si Mama Grace ang nagkuwento na nadapa si Manang Inday habang naglalakad sila sa Padre Faura Street.

“Naawa ako sa kanya. Hindi ko nga siya gustong ilagay sa ganoong sitwasyon pero gaya nga nang sinabi ko, iba pa rin ‘pag andun ‘’yung nanay mo.

“At siya mismo ang gustong pumunta rin du’n para ipahiwatig sa amin na nandoon naman siya para bigyan kami ng lakas ng loob.”

Alam nating lahat na busy si Manang Inday sa taping ng Ang Probinsyano pero nakakahanap siya ng oras sa tuwing kaila­ngan ni Mama Grace ang moral support. Ganyan katindi ang pagmamahal ni Manang Inday sa kanyang anak.

Vic pinigilan lang ang iyak sa ginawa nina Tito at Joey

Ang ganda ng pagkakakanta nina Papa Joey de Leon at Senator Tito Sotto sa Ikaw, ang kanta ni Sharon Cuneta na paboritong kantahin sa mga simbahan sa tuwing may mga ikinakasal.

May-I-sing nina Papa Joey at Tito Sen ang Ikaw sa Eat Bulaga noong Sabado. Dedicated nila ang kanta para kay Vic Sotto na pakakasalan si Pauleen Luna sa January 30.

Ang sey nina Papa Joey at Tito Sen, bagay na bagay sa love story nina Pauleen at Bossing Vic ang lyrics ng Ikaw.

Napanood ko ang video ng song number nina Papa Joey at Tito Sen. May feeling ako na naapektuhan si Bossing Vic ng surprise song number pero pinigilan niya na mapaluha.

Baka hindi na natin mapanood ngayon sa Eat Bulaga sina Bossing at Pauleen dahil kailangan na nila na maghanda at magpahinga para sa kanilang church wedding.

Limang araw na lang, opisyal na ang pagiging Mrs. Vic Sotto ni Pauleen na napaluha sa mga sorpresa na inihanda para sa kanya ng mga co-host niya sa Eat Bulaga.

Show na magkakaroon ng ‘season break’, malabo nang bumalik

Hindi ako naniniwala na ibabalik pa sa ere ang isang television show na magkakaroon ng season break.

Baka pampalubag-loob na magbabalik-TV ang programa para hindi ma-hurt ang bida ng show na hoping na pansamantala lamang ang pagbababu niya sa telebisyon.

Malakas din ang pakiramdam ng production staff ng TV show na tsugi na talaga ang programa na ma­tagal na namayagpag sa ere, base sa mga nakaraan na karanasan nila.

Hindi pa nalilimutan ng staff ang naging kapa­laran ng kanilang show na nagkaroon ng season break pero hindi na uli napanood sa TV.

ACIRC ANG BOSSING VIC CEBU EAT BULAGA HINDI MAMA GRACE MANANG INDAY NBSP PAPA JOEY TITO SEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with