Andre tanggap ng fans kahit dala-dalawa ang ka-partner
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

Blessed si Andre Paras na pwede siyang magkaroon ng dalawang ka-love team, na wala namang conflict.

Sa TV, si Barbie Forteza, sa una nilang team-up sa The Half-Sisters at ngayon, may kasunod agad, ang That’s My Amboy.  Sa movie naman, ilang beses na rin silang nagtambal ni Yassi Pressman, sa Diary ng Panget, Wang Fam at ang Valentine pre­sen­tation ng Viva Films, ang Girlfriend for Hire.  Sino ang gusto niyang maging permanent ka-love team?

“Wala naman akong dapat piliin dahil magkaiba nga ang ginagawa namin,” sagot ni Andre. “But I’m very thankful kay Barbie dahil kahit baguhan pa lamang ako nang i-partner sa kanya, hindi niya ako tinanggihan. Siya ang nag-guide sa akin sa mga drama scenes namin, dahil napakahusay niya. Si Yassi naman, mostly ay romantic-comedy ang ginagawa namin kaya comfortable kami sa mga eksena namin. At thankful ako dahil wala namang nangba-bash sa akin na fans dahil dalawa ang ka-love team ko.  Tanggap nila kung sino ang katambal ko wala silang sinasabi na mas gusto nila si Barbie o mas gusto nila si Yassi.  Kaya starting on Monday, January 25, pwede na nila kaming mapanood ni Barbie sa That’s My Amboy after ng Little Nanay sa GMA 7 at starting February 10, sana ay panoorin din nila ang Girlfriend for Hire in cinemas nationwide.”

Bossing luhaan sa bridal shower ni Pauleen

Bago ginawa ang naiibang bridal shower for Pauleen Luna sa Eat Bulaga, isang magandang opening number muna ang ipinakita nina Alden Richards at Maine Mendoza na parehong naka-wedding outfits, na tingin namin ay sila ang ninenerbyos at feeling sila ang ikakasal.

Sinundan pa ng biro ni Bossing Vic Sotto na sumabay na silang dalawa sa wedding nila ni Pauleen sa January 30. Pero parehong after five years pa raw sila magpapakasal.

Naiiba nga ang bridal shower na ibinigay kay Pauleen ng friends niya sa Dabarkads, sina Rudy Rodriguez, Patricia Tumulak, at Pia Guanio. Naiyak si Pauleen sa magandang message na ibinigay sa kanya ni Pia. Naroon din sina Camille Prats, Sherilyn Reyes, at Yayo Aguila, ganoon din ang tatlong lolas at si Maine. Lahat ng gifts nila sa ikakasal ay nagsimula sa letter B tulad ng barya, bigas, banig, batya, bilao, basketball, bagnet, bayong with gulay. Pero sabi ni lola Nidora, ang pinakamahalagang B na dumating sa buhay niya, si Bossing Vic Sotto.

Sa bachelor’s party naman, nag-compose ng song sina Tito Sotto at Joey de Leon para sa ikakasal at isinama pa sina Alden at Maine na sana ay sumunod na rin. Bumati ang mga kapatid ni Bossing na sina Val at Maru, Dabarkads Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Anjo Yllana, Sam YG at Alden.  May dance number sina Pauleen at Dhurizz (Wally Bayola). Hiningan ng message si Pauleen for Vic: “thank you for taking this journey with me.”

Si Bossing naman ay three words lang ang nasabi sa nararamdaman, “I love you.”

Nagpasalamat si Vic sa kanyang mga kapatid lalo na sa kanyang mga anak.

Hindi raw madali ang ginawa nilang desisyon ni Pauleen, pero salamat sa kanilang mga suporta, at doon na umiyak si Bossing.

Isang kiss ang ibinigay niya kay Pauleen at pinayagan na si Alden na mag-kiss na rin kay Yaya kahit sa cheek lamang, upon the request ng Dabarkads.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANJO YLLANA BARBIE BARBIE FORTEZA BOSSING VIC SOTTO BUT I MY AMBOY NBSP PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with