^

Mga kababayan dismayado pagbisita ni Pia sa CDO, hinaluan daw ng pulitika

Jun Nardo (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

Isyu pala ang postponement ng pagbisita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Cagayan de Oro City. Eh, hometown ni Pia ang CDO kaya naman nararapat lang na bisitahin niya ang probinsyang kinalakhan niya.

Very vocal si CDO Congressman Rufus Rodriguez sa ABS-CBN News sa pagsasabing, “I suspect there is politics involved in the postponement of Wurtzbach’s visit to CDO.”

Eh sa unang pahayag ng kongresista, ipinagpaliban sa April ng local council ang pagbisita ni Pia sa CDO. Nagulat siyempre si Cong. Rufus sa desisyon ng local government.

Naku, pati ba naman ‘yan eh, hahaluan ng pulitika? C’mon! Huwag namang ipagkait ang dapat na pagbibigay ng parangal kay Pia ng kanyang mga kalalawigan, huh!

Ewan lang kung matatalakay ‘yang intrigang ‘yan sa press conference ni Pia, huh! Siyempre, hindi papayag ang Binibining Pilipinas Charities na mahaluan ng intriga ang homecoming ni Pia sa bansa, huh!

Basta sa mensahe ng ating Miss Universe, “Happy to be home!”

Dahil sa tambak na endorsements Alden at Maine puwede nang suportahan ang sariling serye

Hindi na iintrigahin si Alden Richards na dahil lang sa loveteam nila ni Maine Mendoza ay hindi siya magkakaroon ng tambak na commercials, huh!

Kung may solo TVC si Yaya Dub/Maine, aba, meron din si Alden, huh! Magkasunod na inilabas ang solo TVC ng Pambasang Bae sa isang shampoo at corned beef na de lata.

Then, sa bagong bersyon ng endorsement niya ng food chain na una nilang TVC together, bidang-bida si Alden, huh! Pictures lang ni Maine ang ipinakita.

Naku, sa rami ng commercials ng AlDub, magkasama man o solo, aba, puwede na nilang suportahan ang isang daily series nila!

Roderick hoping na mananaig daw ang katotohanan

Election-related ang tugon ni Konsehal Roderick Paulate na dinismis ng Ombudsman sa public services na may kasamang accessory penalty na hindi na siya puwedeng humawak pa ng anumang posisyon sa gobyerno.

“Nakakalungkot nga kasi minsan OA (overac­ting) ang news…

“Hindi naman po ito malaki, sobrang pinalaki lang ng mga nasa likod nito ang kasinungalingang ito…

“Sad to say, maraming humusga na kahit ‘di nila naiintindihan ang nangyayari sa akin…Tinaon nila sa election period na…basta truth will prevail.

“God is just! He knows the truth. Salamat sayo @castenmichael.” Si @castenmichael ang follower ni Kon. Dick na inudyukang magpahayag ng panig niya na sinagot naman ng actor-turned politician sa Instagram account niya.

Pauleen niregaluhan ng barya, banig, at bilao

Sinorpresa si Pauleen Luna ng mga kaibigang Camille Prats, Sherilyn Reyes, at Yayo Aguila sa bridal shower niya sa Eat Bulaga kahapon.

Bago ang tatlo, kinantahan din siya nina Ruby Rodriguez, Patricia, at Pia Guanio.

Buti nga, game si Pia sa pagbibigay ng mensahe kay Poleng na walang fee­ling ng awkwardness, huh.

“You deserve everything!” sabi naman ni Yayo na hiwalay na kay William Martinez. Gayundin si Sherilyn na hiwalay na rin kay Jun Santiago, huh!

Cry din si Ruby na hiwalay na rin sa asawa. Nanay-nanayan kasi ang drama ni Ruby kay Poleng lalo na sa Eat Bulaga kaya hindi niya maiwasang umiyak.

Ilan sa regalo kay Poleng ng mga kaibigan ay alkansya ng barya, banig, bilao, isang sakong bigas, bayong ng gulay, bagnet, bola ng basketball na lahat ay nagsisimula sa letrang B.

Sa Diyos ang todo pasasalamat ni Pauleen na nagbigay sa kanya ng strength, humility, at selflessness.

Kahapon din idinaos ang bachelor’s party ni Vic Sotto sa Bulaga eh deadline time na kaya bukas na lang namin isusulat.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BINIBINING PILIPINAS CHARITIES CAMILLE PRATS CONGRESSMAN RUFUS RODRIGUEZ EAT BULAGA HUH MISS UNIVERSE PIA POLENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with