Barbie hindi na mukhang nene, palaban na kay Yassi
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

Hindi nakapagtataka na nag-aaway ang fans nina Barbie Forteza at Yassi Pressman dahil parehong ka-loveteam ng dalawa si Andre Paras. 

Magsasama muli sina Barbie at Andre sa primetime show ng GMA 7 na That’s My Amboy, samantalang Girlfriend for Hire naman ang tambalan nina Yassi at Andre ng Viva Films.

Sobrang gwapings ng anak ni Benjie Paras dahil pinag-iinitan ito ng mga Yandre at Anbie teams. Nagmumukha tuloy pinag-aagawan nina Yassi at Barbie ang binata ni Benjie. Saktong sabay pa ang promotion ng dalawang palabas ni Andre sa Viva Films at GMA Network.    

Ang sigaw ng Yandre ay mas bagay sila ni Andre na kesyo mas may chemistry ang dalawa kumpara kay Barbie. Hindi naman nagpapatalo ang mga fans ni Barbie na super din ang pagtatanggol dahil may napatunayan na ang loveteam nila ni Andre sa The Half Sisters na umabot ng halos dalawang taon.

Kung si Barbie ang tatanungin ay supportive rin naman siya kina Yassi at Andre dahil magkakaibigan ang tatlo.

Pero bakit kaya sinabi ni Barbie sa isang interview na confused din siya sa loveteam nila ni Andre? Dahil siguro enjoy sila sa kulitan, inisan at  mag-best friend ang trato nila sa isa’t isa kahit noon sa set pa ng The Half Sisters.

Kaya ba ang bagong #hashtag ni Barbie ngayong taon ay ayaw niyang maging aggressive at umasa? Basta susunod lang daw siya sa agos at hindi niya ipagpipilitan ang sarili. Hindi na rin daw niya ipu-push ang bagay na hindi talaga para sa kanya.

In fairness, ang laki ng iginanda ni Barbie, hindi na siya mukhang nene na awkward tingnan kapag kasama si Andre noon. Pasado na rin si Barbie kung height ang hinahanap ni Andre na minsan sa interview ay sinabi nito na gusto niya sa babae ay mataas din.

Wish naman ni Barbie na pumatok ang loveteam nina Andre na first time na sasabak sa primetime, wish ng dalaga ay mas magpakilig pa ang loveteam nila na Anbie sa kanilang fans.

Comment lang ng mga maka-Yandre at Anbie teams na parang ginaya ang cover ng On the Wings of Love nina Nadine Ilustre at James Reid dahil may paper plane rin ang That’s My Amboy nina Andre at Barbie na ipinapakita sa Kapuso Channel.

ANBIE ANDRE ANDRE PARAS ANG BARBIE BARBIE FORTEZA HALF SISTERS MY AMBOY VIVA FILMS YANDRE YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with