Wala rin sa isip magka-GF Andre hindi na nakikita ang magulang!
Jun Nardo (Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

Ikinukumpara si Andre Paras sa kapatid niyang si Kobe Paras na hindi itinatago ang pagkakaroon ng girlfriend. Hanggang ngayon kasi, wala pang lumulutang na minamahal na babae ang panganay na anak ni Benjie Paras.

“Si Kobe naman is really vocal and expressive. He’s not fake. He’s not hiding anything. Ilalabas talaga niya ang gusto niyang ilabas, He’s just being himself. I’m really proud of him kasi his girlfriend is there for him. Mabait ang girlfriend at inspirasyon niya. Kobe is doing well in basketball!” pahayag ni Andre sa presscon ng bagong series nila ni Barbie Forteza na That’s My Amboy.

Eh, wala namang itinatagong babae si Andre.

“I’m single right now. I am very happy right now. Kasi love ko rin ang showbiz. Walang relationship. Waking up early and going home late! This is the job that I really love. That’s hard. ‘Yung pagod, parang happiness na rin. You should love what you do,” rason niya.

Sa ngayon, wala raw panahon si Andre sa social life.

“I have no time to go out. No, I go out with friends but I have no time to ask one on one with a girl. Hopefully, meron. I have no time. Work, sleep lang talaga. Pati nga gym, ‘yung basketball, wala na talaga. I don’t get to see my parents anymore!” rason ni Andre.

Pero wala siyang regrets sa pagkawala ng oras sa pamilya.

I’m tired. Overfatigue but when you think of it, I’m one person in million Filipinos na knowing I put a smile on their face, as long as that’s the effect, I have no regrets kahit ako ‘yung namamatay sa set (dahil sa pagod)!” sey pa ng young actor.

Kung si Barbie ang ka-loveteam ni Andre sa TV, sa movies naman, si Yassi Pressman ang madalas niyang karomansa. Magkasama sila sa bagong Viva movie na Girlfriend for Hire.

AiAi no comment sa ‘gulo’ ni Valeen

Naranasan ni AiAi delas Alas ang maging normal ang buhay nang sa Amerika siya nag-celebrate ng Christmas at New Year kasama ang tatlong anak.

“Masaya naman doon kaya lang nakakapagod! Pero tahimik ang buhay at saka normal. Naglalaba, nagluluto. Grocery. Tapos kami ni Bebe, palaging nandoon sa kanto. Pinagda-drive niya ako. Namimili ako. Normal na gawain ng maybahay,” saad ni AiAi nang bisitahin namin sa taping ng CelebriTV.

Ibinalita rin ni Ai na lalabas na ang anak-anakan niyang si Jiro Manio sa Lunes.

Ninang din siya kay Baby Zia na anak nina Ding­dong Dantes at Marian Rivera.

 “Busy ako sa taong ito! Ha! Ha! Ha! Ang dami kong ina-attend-an na kung anu-ano. Kasal (nina Vic at Pauleen), binyag. Maglalabas ako sa rehab. Babantayan ko pa ang alaga ko!” tsika ni AiAi.

Kagagaling lang sa Vigan para mag-promote ng Sunday PinaSaya at dumalo sa Longganisa Festival.

Eh, ano naman ang sabi ni Valeen Monte­negro sa kanya?

“Ayokong i-tackle ‘yan! Huwag ninyo akong tanungin diyan. Siya na lang ang tanungin ninyo! Hindi naman ako si Valeen, ‘no? Ha! Ha! Ha!” diin ni AiAi.

ACIRC ALIGN ANDRE PARAS ANG BABY ZIA BARBIE FORTEZA BENJIE PARAS JIRO MANIO LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with