Pagtatapos ng Ningning, tinutukan ng buong bansa
(Pang-masa) - January 21, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Libu-libong Pilipino sa buong bansa ang tumutok sa pagtatapos ng Ningning noong Biyernes para saksihan kung ano ang unang ginawa ni Ningning nang makakita na siya muli matapos ang napakaraming hamon para makahanap siya ng cornea donor.

Ipinakita sa finale episode si Ningning na naglalakad sa Isla Baybay para mu­ling masilayan ang ganda nito at ang pag-alay niya ng pasasalamat sa namayapang kaibigan na si Peter, ang kanyang cornea donor.

Ayon sa datos ng Kantar Media, ang Ningning ang tanging weekday morning program na nakapasok sa top 10 most watched programs noong Biyernes na nasa ika-anim na pwesto at nakakuha ng national TV rating na 18.8%, sampung puntos na lamang laban sa kalabang programa na The Ryzza Mae Show (8.6%).

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas.

ACIRC ANG AYON BIYERNES IPINAKITA ISLA BAYBAY KANTAR MEDIA KINAKATAWAN LIBU NINGNING RYZZA MAE SHOW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with