Kinain-kain labi ni Kiray dinivirginized ni Derek!
Jun Nardo (Pang-masa) - January 21, 2016 - 9:00am

Certified virgin pa si Kiray Celis sa edad na 19. Alam niyang pag smack sa labi ang gagawin, magdidikit lang mga ito at hindi ibubuka ang bibig. Kaya naman nawindang siya nang ilapat ni Derek Ramsay ang labi sa kanya with matching buka-buka sa kissing scene nila sa Regal movie na Love is Blind!

Siyempre, inggit much ang ibang aktres kay Kiray dahil ang hunk na eh guwapo pa si Derek.

 “’Yung first kissing scene ko sa buong buhay ko, ‘yung sa MMK, ‘yung kami ni Arjo (Atayde). Hindi gumagalaw. Sabi ko, ay okey ito.

“Nu’ng na-try ko si Kuya (Derek), gumagalaw ‘yung mouth niya! Ha! Ha! Ha! Hindi po kasi akala ko po, smack lang! Kinakain niya po ‘yung labi ko! Ha! Ha! Ha! ‘Kuya, huwag kang mahiya! Ginagawa mo ‘yon!’” patungkol sa katabi niyang si Derek sa presscon ng movie.

“Inisip ko na lang na ahh, ganito pala makipag-kissing scene! Si Kuya Kean, pag nag-kiss kami, ganoon lang. Pero si Kuya, hinahanap niya ang labi ko! Ganoon siya! Ha! Ha! Ha!

 “First kiss ko po siya na gumagalaw po (ang labi)! Akala, pag smack, didikit lang. Pero Diyos ko, dito may panghahatak pa ng labi! Tapos, tawag niya sa akin, tuod daw ako! ‘Alangan naman kainin ko rin ang labi mo?’ Ha! Ha! Ha!

 “Hindi po ako nagpakain!” sabi pa ng ko­medyante.

Reaksyon naman ni Derek, ang dami niyang nagawang pelikulang sexy. Pero sa komento lang ni Kiray siya nahiya!

 “Dati kasi nakakarinig ako sa ibang artista. Sasabihin ng director magki-kiss, mag-i-smack. Tapos,’yung ibang lalaki, gagawin nila, gagalaw! Sabi ko, ahh, bastos. Kasi sinabi smack lang. So nu’ng na-try ko kay Derek, ahh, ganoon talaga! Ganoon talaga pag ano. Ewan ko. Siguro sobrang sanay lang si Kuya sa mga ganoong eksena!” sey pa niya.

“Ganoon talaga pag smack!” katwiran naman ni Derek.

“Ang alam ko, pag torrid, gumagalaw! Ha! Ha! Ha!” diin ni Kiray. “Kapag torrid, may dila!” rason naman ni Derek.

“Hindi ako na-inform na ang smack pala, palitan ng labi. Kainan pala! Genern! Ha! Ha! Ha!” sey uli ni Kiray.

Ayon naman kay Direk Jason Paul Laxamana, ilang takes ang halikan nina Derek at Kiray dahil bago kunan ‘yon ay nagtatawanan silang dalawa.

Eh kina Derek at Kean, sino ang mas masarap humalik?

“Grabe! Kayo ang tatanungin ko. Ano ba ang klase ng smack? ‘Yung guma­galaw ba? Kung hindi gumagalaw, si Kean ‘yon. Pero kung gumagalaw, si Kuya ‘yon!” tugon ng komedyana.

Kean iniiwasang pag-usapan ang pagbubuntis ni Chynna

Speaking of Kean, komo nga bagong kasal, hindi lang daw love is blind. “Lahat ng emotions mo, nandoon sa love. So it’s how you see it. Kung ganun kalalim mo siyang tingnan. Pero it’s all about, not just being in love with the person but being in love with life itself, with the person,” saad ni Kean.

Dahil nga biglaan ang pagpapakasal nila ni Chynna Ortaleza, saad niya, “Love is intense! Life is short. We’re born to love, to be happy and to die one day. If there’s one perfect thing na mangyayari sa buhay mo is to love a person that much,” rason niya.

May church wedding na bang kasunod?

 “Me and my wife, talking about it. Na parang all the details about life, marriage, family, she’d like to keep all the details to herself,” tugon niya.

Pregnant na ba si Chynna?

 “  Pag nagsalita ako ng detalye, baka makapagsalita ako ng hindi tama!” iwas ni Kean.

ACIRC ALIGN ANG DEREK KEAN KIRAY KUYA LANG LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with