Georgina at BF na businessman, sa Paris magpapakasal!

Jun Lalin (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Mukhang nauuso sa pamilya ni Gloria Diaz ang pagpapakasal, huh!

After magpakasal kamakailan si Robin da Roza, balitang sa April naman daw magpapakasal sa Paris, France ang model/TV host/businesswoman niece ng veteran actress na si Georgina Wilson.

Pinaghahandaan na nga raw ng friends and relatives ni Georgina ang kanyang Paris wedding.

Big, big wedding daw ito at isang businessman na based sa China ang mapapangasawa ni Georgina.

Sa kuwentong nasagap ko, sobrang in love raw sa isa’t isa sina Georgina at ang kanyang fiancé kaya nag-decide na silang magpakasal na sa April.

Sa bait daw ng fiancé ni Georgina ay excited na ang kanyang friends and relatives sa magaganap na kasalan.

Hindi naman daw igi-give-up ni Georgina ang kanyang career at magpapabalik-balik sa bansa at sa China.

Successful businesswoman nga pala si Georgina dahil bongga ang negosyo nilang sunglasses ng ilang mga kaibigan.

Teka! Totoo ba na after Georgina, isa na namang pinsan nila ang magpapakasal before the end of the year?

Richard at Raymond, walang munang twin birthday celeb

Birthday ngayon nina Richard at Raymond Gutierrez.

Kung noon ay palagi silang may twin-birthday celebration, ngayon ay parang wala silang plano.

Umalis kasi kahapon si Raymond pa-Dubai at si Richard naman ay busy sa taping ng Ang Panday ng new TV5.

May event na pupuntahan sa Dubai si Raymond at next week pa ang balik niya ng bansa.

Pero bago umalis kahapon, sinorpresa ng ilang mga kaibigan si Raymond at binigyan ng advance birthday celebration.

Si Richard naman, ang plano lang mamaya ay isang quiet birthday dinner with the family, na siyempre pa ay pinagtulungan nilang planuhin ng kanyang lovey-dovey na si Sarah Lahbati.

Si Annabelle Rama nga, dapat ay may malaking promo mamaya ng book niyang ‘Day, Hard! ng ABS-CBN Publishing, pero nag-decline dahil may birthday dinner nga for Richard.

Kung sa Ilocos Norte sila nagte-taping, madalas ay five straight working days pa sila.

Anyway, happy, happy birthday, Richard and Raymond!

Ratings pinagtatalunan na naman

Ayaw ng AlDub Nation ang sinasabing nagde-decline na ang ratings ng Eat Bulaga!

Para sa fans nina Alden Richard at Maine Mendoza, parang mahirap paniwalaan na bumababa na ang ratings ng Eat Bulaga.

Sabi naman ng ibang showbiz observers, nakaapekto sa popularity ng AlDub ang madalas na pag-absent ni Alden sa Eat Bulaga.

Dapat daw, like Maine (Yaya Dub), dapat alam ni Alden na priority at dapat niyang maging priority ang show na nagpasikat sa kanya, huh!

Sabi naman ng ibang mga maka-It’s Showtime ng ABS-CBN, malaking bagay raw ang Tawag ng Tanghalan segment ng nasabing show sa pagbaba ng ratings ng katapat na Eat Bulaga.

Gano’n?! Naku, tiyak na giyera-patani na naman ang Kapamilya fans at Kapuso fans niyan!

ALDEN RICHARD ANG ANG PANDAY ATILDE BIRTHDAY DUBAI EAT BULAGA GEORGINA GEORGINA WILSON NAMAN RAYMOND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with