Aktor na walang ginawa kundi ibalandra ng katawan, tinigbak sa show
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Desisyon ng network management ang pagkawala sa isang television show ng male actor.

Ni-reformat ang program at kabilang sa mga casualty ang aktor na nalungkot dahil mami-miss nito ang regular exposure sa telebisyon. Nanghihinayang din siya sa kanyang kinikita.

Hindi masisisi ang network management sa pasya na tsugihin ang aktor dahil wala itong contribution sa show.

Hindi naman siya puwedeng ilagay sa mga teleserye dahil kulang ang kanyang talent sa pag-arte at napapakinabangan lamang siya sa pagpapakita ng maskuladong katawan.

Matagal na naging bahagi ng TV show ang aktor pero hindi siya nag-evolve at hindi ni-reinvent ang sarili.

Joross walang balak linisin ang pangalan!

Naririto na pala sa bansa si Joross Gamboa at nag-taping na siya para sa isang drama anthology.

Tahimik na bumalik ng Pilipinas si Joross na matagal na nanatili sa Amerika dahil dito isinilang ng misis niya ang kanilang panganay.

Dumating sa bansa si Joross habang mainit na pinag-uusapan ang kanyang video scandal. Mabibigo ang mga umaasa na haharapin ni Joross ang kontrobersya dahil wala sa bokabularyo niya na i-dignify ang isyu.

May sex video rin TV reporter susundan ang yapak ni Paolo Bediones?!

Natsitsismis na may video scandal din ang TV5 reporter na si Renz Ongkiko.

Nabasa ko sa PSN na nag-deny na si Renz as in hindi siya ang mhin sa kumakalat na video scandal.

Si Renz ang pangalawang talent ng News Department ng TV5 na sangkot sa video scandal dahil nauna si Paolo Bediones.

Nang pumutok noon ang isyu tungkol sa sex scandal ni Paolo, naglabas ang TV5 ng official statement bilang suporta sa kanya pero nang lumabas ang maraming version ng video, pinagbakasyon muna si Paolo.

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung pagbabakasyunin din ng TV5 si Renz dahil hindi pa naman napapatunayan na siya talaga ang tampok sa video scandal na itinanggi niya. Hindi rin naman siya high-profile talent na kagaya ni Paolo na talagang sikat at host noon ng mga top rating television show ng GMA 7.

Andre hindi ready kay Barbie

Ngayong hapon ang grand presscon ng That’s My Amboy, ang romantic comedy television series na tinatampukan nina Andre Paras at Barbie Forteza.

Ilang araw nang ipinapakita ng GMA 7 ang nakakakilig na teaser ng That’s My Amboy na tungkol sa isang guwapong artista na magkakaroon ng kaugnayan sa isang ordinaryong babae ang kuwento.

Tailor-made para kina Andre at Barbie ang mga karakter nila sa That’s My Amboy. Excited na ang fans ng dalawa na mapanood ang mga nakakakilig na eksena nina Andre at Barbie.

Hindi ako magtataka kung natural na natural ang acting ni Barbie sa That’s My Amboy dahil sa tunay na buhay, kinikilig siya sa tuwing itinutukso kay Andre at na-witness ko ito sa kanyang 18th birthday presscon na ipinatawag ng GMA 7.

Kung niligawan ni Andre si Barbie habang ginagawa nila ang The Half Sisters, baka mag-dyowa na sila.

Pero hindi pa ready si Andre na makipagrelasyon dahil priority niya ang kanyang career at pag-aaral. Kayo na ang magkaroon ng da­lawang ka-loveteam, si Barbie sa That’s My Amboy at si Yassi Pressman, ang leading lady niya sa Girlfriend For Hire, ang coming soon movie ng Viva Films.

ANDRE ANDRE PARAS ANG BARBIE BARBIE FORTEZA DAHIL HINDI JOROSS MY AMBOY PAOLO BEDIONES SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with