Carla ini-enjoy ang pagiging yummy ni Gabby
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 18, 2016 - 9:00am

Enjoy talaga si Carla Abellana sa kanyang role bilang si Andrea sa pinag-uusapang primetime drama series ng GMA 7, ang Because of You. 

Bukod sa may pagka-off-beat ang kanyang role, first time niyang gumawa ng isang serye na hindi siya mommy. 

Nang mag-start daw siya sa Rosalinda, nanay na lagi ang role niya hanggang sa pinakahuli niyang ginawa na Pari Koy. 

Natutuwa raw siya kapag nasa labas siya at tinatanong sa kanya si Boss Yummy, ang katambal niyang si Gabby Concepcion na sabi ay may chemistry raw ang team-up nila.

“Si Gabby kasi, kung gaano siya kasayang panoorin sa aming series, ganoon din siya off-cam,” kuwento pa ni Carla. 

“Masaya kami lagi sa set, lalo na kapag kasama namin ang mga BFFs ko sa story, sina Vaness del Moral at Iya Villania.  Ngayon ay muli nang bumalik si Boss Yummy mula sa Chicago kaya i-expect na naman ng mga nakatatawang eksena between him and Andrea.”

Magkakaroon daw ng mahirap na desisyon si Andrea, kung sino ang pipiliin niya, si Boss Yummy o ang nagbabalik na dating boyfriend niyang si Oliver (Rafael Rosell)?

Ano ang gagawin ni Oliver, kapag hindi siya ang pipiliin ni Andrea at babastedin siya, tanong namin kay Rafael Rosell sa taping ng Because of You. 

Tiyak daw na magwawala si Oliver. Pero may pagbabago raw sa character niya, na akala niya hanggang sa katapusan ay isa siyang asshole. 

Mari-realize raw ni Oliver na mahal pala niya talaga si Andrea, pero paano nga kung hindi na siya ang mahal nito?

“Pero thankful ako sa GMA dahil binigyan naman nila ako ng bagong role sa serye namin,” sabi pa ni Rafael. “Akala ko hanggang sa mga drama na lamang ako tulad ng dati, pero this time may pagka-off beat naman. Siguro, gagawa pa rin ako ng paraan para mahalin ako muli ni Andrea, pero kaya ko bang talunin si Boss Yummy?”

Sari-Sari Channel mas mapangahas

Hands-on si Boss Vic del Rosario sa paghawak ngayon sa mga programa ng TV5 kaya last January 14, mula sa presscon ng Tasya Fantasya, kinagabihan naman ay nanguna siya sa launch ng Sari-Sari Channel na joint undertaking ng MVP Mediaquest at Viva Communications. 

Present din sa launch ang niyang si Vincent del Rosario of Viva Communications, Mr. Noel Lorenzana, President/CEO of TV5 at Ms. Jane Basas, the newly-appointed head ng Cignal TV. 

Nagsimula na noong January, 15, 2016 mag-broadcast ang Sari-Sari Channel na available exclusively sa Cignal TV para sa mga subscribers nila nationwide, na nagbu-broadcast 24/7. 

Ayon pa kay Boss Vic, tiyak daw na makakakuha sila ng mas maraming viewers dahil hindi sakop ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga shows na gagawin nila. 

Biro pa niya, pwede raw magmura ang mga charac­ters ng mga ipalalabas nilang shows, mas matapang lamang sila. 

Una nilang ipinalabas noong Saturday, ang Class 3-C Has A Secret, a Filipino-style na tungkol sa dark secrets ng mga boys and girls ng Laketon Academy na tampok sina Yassi Pressman, Bret Jackson, at Josh Padilla. 

Ilan pa sa ready na ring mapanood ang Barrio Kulimlim, Kuya and Me, My Only Love at ang adult drama na Dalawang Gabi na magtatampok kina Michelle Madrigal at Maui Taylor with Mark Bautista and Wendell Ramos.  Ilang mini-series din na gawa ng TV5 ang ipalalabas sa Sari-Sari Channel.

ACIRC ANDREA ANG BECAUSE OF YOU BOSS VIC BOSS YUMMY MGA NBSP RAFAEL ROSELL SARI-SARI CHANNEL SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with