^

Susan at Sen. Grace, bilib sa pagiging matulungin at mapagbigay ni Kuya Germs

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 18, 2016 - 9:00am

Buhay na saksi si Susan Roces sa pagiging matulungin ni German Moreno na isa sa mga malalapit na kaibigan niya. Ayon kay Manang Inday, hindi isyu kay Kuya Germs ang talent fee na matatanggap  dahil  ang matuloy ang show at kung ano ang makakabuti sa lahat ng cast ang priority niya.

Kilalang-kilala ni Manang Inday si Kuya Germs dahil maraming pelikula ang kanilang pinagsamahan at kabilang dito ang kanyang favorite na Dance-O-Rama.

Nang pumanaw si Kuya Germs, kumalat sa social media ang video clip ng eksena nila ni Manang Inday sa Dance-O-Rama na nagpakita ng kanilang husay sa pagsasayaw

“Sa kapwa talent niya, marunong si Germs na mag-share, hindi siya madamot. Hindi niya sinusukat kung magkano ang ibabayad para sa kanyang serbisyo basta matuloy ang show. Ang importante sa kanya ay magtanghal ng isang magandang prog­rama saan mang larangan, sa stage show o sa TV,” ang pagbabalik-tanaw ni Manang Inday tungkol sa kanyang pumanaw na kaibigan.

Maging ang anak ni Manang Inday na si Senator Grace Poe ay nanghihinayang sa pagkawala ng isa sa mga haligi ng industriya at malapit na kaibigan  ng  pamilya nila.

Ikinuwento ni Mama Grace ang madalas na pangungumusta sa kanya ni Kuya Germs sa tuwing  magkikita sila.

“Matulungin talaga si Kuya Germs. Haligi siya ng ating industriya dahil sa mga pagkakataon na ibinibigay niya sa mga bata. Very optimistic, very positive siya. Wala  siyang sinasabi na masama laban kanyang  kapwa,” ang sey  ni Mama Grace nang dumalaw siya sa burol ni Kuya Germs sa Our Lady of Mount Carmel Shrine noong January 9.

Sen. Grace at Sheryl, hindi pinayagan na magkita

Nagpang-abot noon sa lamay para kay Kuya Germs sina Senator Grace Poe at Sheryl Cruz pero hindi sila nagkita.

Maagap ang mga tao sa paligid dahil hindi nila pinayagan na magkita ang magpinsan para hindi sila malagay sa alanganin na sitwasyon.

Nagkaroon ng lamat ang maganda sana na relasyon nina Mama Grace at Sheryl dahil sa pagsasalita nito laban sa presidential bet ng Partido Galing at Puso.

Negative ang mga feedback sa ginawa ni Sheryl kay Mama Grace na imbes na magalit eh inu­nawa ang pagiging pasaway ng kanyang pinsan.

Claudine mas matigas na ngayon

Kasulat-sulat ang mga statement ni Claudine Barretto sa presscon kahapon ng Bakit Manipis Ang Ulap?, ang coming soon drama series ng TV5 at Viva Communications.

Sinagot ni Claudine ang paratang na unprofessional siya. Hindi na raw niya iniinda ang mga bintang na ganoon dahil mas matindi pa ang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanyang personal na buhay.

Nang mabanggit ni Claudine ang personal trials na naranasan, naalala ng mga reporter nang pagtulungan nila ni Raymart Santiago sa NAIA Terminal 3 ang hard-hitting journalist na si Mon Tulfo, ang pagsugod niya sa isang bangko sa Quezon City at ang palitan nila noon ni Raymart ng maaanghang na salita.

Kaya laging nakatakip ang tiyan, Lian nanganak na

Hindi shocking ang balita na nagsilang si Lian Paz ng baby girl dahil may boyfriend siya pero marami pa rin ang nagulat dahil hindi natsismis na nagbuntis ang former dyo­wa ni Paolo Contis.

Nasagot na ngayon ang mga tanong tungkol sa madalas na pagtatakip ni Lian sa kanyang tiyan sa mga picture na inilabas niya sa social media.

The secret is out na nagluwal siya ng kanyang pangatlong anak na babae.

ACIRC ANG CLAUDINE DAHIL GERMS HINDI KUYA GERMS MAMA GRACE MANANG INDAY MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with