Mark Anthony hindi nawawalan ng project
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 17, 2016 - 9:00am

Ngayon na pala ang airing ng Wish I May, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na replacement ng The Half Sisters.

It’s a must na suportahan ng fans nina Mi­guel Tanfelix at Bianca Umali ang teleserye ng kanilang mga idol.

Starring din sa Wish I May sina Camille Prats at Mark Anthony Fernandez.

Happy ako dahil hindi nawawalan ng mga project sa Kapuso Network ang aking ina­anak na si Mark.

Magtuluy-tuloy sana ang mga project ni Mark na isa sa pinakamahuhusay na aktor natin. Nagmana sa husay ni Mark ang kanyang anak na si Grae Fernandez na talent naman ng ABS-CBN.

Todo na ‘to habang lango sa droga, aktor palum-palo sa sex video!

May sex scandal daw ang isang aktor at pinatotohanan ito ng nakapanood sa kontrobersyal na video.

Dapat kabahan ang aktor dahil nababanggit na ang name niya sa listahan ng mga celebrity na involved sa sex video.

Sa showbiz, siguradong may apoy kung may usok. Blind item muna noon ang video scandal na inili-link kay Joross Gamboa pero ngayong 2016 lamang lumitaw ang kopya ng ebidensya at baka ganito rin ang mangyari sa aktor na tinutukoy ko.

Ang tsismis, knows ng aktor na kinukunan ito ng video habang nakikipagtsugihan pero willing victim siya dahil sobrang high sa illegal drugs.

Heart pang-world class na ang level sa pagpipinta

Ngayon ang joint fashion show ni Heart Evangelista at ng fa­shion designer na si Mark Bumgarner.

Ang Dusit Thani Hotel ang venue ng fashion show na dapat suportahan dahil sa mga charitable organization na tinutulungan nina Heart at Mark ang beneficiaries.

Nakakabilib ang talent ni Heart bilang painter dahil pang-world class ang level niya. Bibihira ang mga katulad ni Heart na may kaka­yahan na magpinta ng mga bonggang design sa mga tela na ginawang damit ni Mark.

Pinaghirapan at pinagpuyatan ni Heart ang pagpipinta sa fabrics na walang kagaya ang mga design kaya maituturing ito na collector’s item.

Luis nagbagong-anyo na naman

Inahit na ni Luis Manzano ang kanyang bigote at balbas kaya naninibago ang fans sa new look niya.

Nasanay na ang fans na balbas-sarado si Luis na sinubukan na baguhin ang kanyang hitsura nang pumasok ang 2016.

Ang tatay ni Luis na si Edu Manzano ang naglabas ng litrato ng new look ng kanyang panganay. Napapadalas ang pagsa­sama ng mag-ama dahil tinutulungan ni Luis sa panga­ngampanya si Edu na kumakandidatong senador sa May 2016.

Buung-buo ang suporta ni Luis kay Edu dahil naniniwala siya na asset sa senado ang kanyang ama na hindi stranger sa public service.

Naglingkod noon si Edu bilang bise-alkalde ng Makati City at chairman ng Optical Media Board (OMB).

Sen. Bong at Sen. Jinggoy, ipinagdasal na lang si Kuya Germs

Tatlong oras lang pala ang hiniling nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada para payagan sila ng Sandiganbayan na bumisita sa burol ni Kuya Germs.

Sa kasamaang-palad, hindi pinayagan ng Sandiganbayan sina Bong at Papa Jinggoy kaya ipinagdasal na lang nila ang kapayapaan ng kaluluwa ng Master Showman.

ACIRC ANG ANG DUSIT THANI HOTEL BIANCA UMALI CAMILLE PRATS EDU KUYA GERMS LUIS MGA STRONG WISH I MAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with