Dahil sa ari na nasa video Joross biglang pinag-interesan!
Jun Nardo (Pang-masa) - January 15, 2016 - 9:00am

Wow, dumaming biglang ang naging interesado kay Joross Gamboa, huh! Pinagpipistahan kasi ngayon ang dumano’y sex video niya sa loob ng kanyang kotse.

May alinlangan na ang Kapamilya actor ‘yung nasa video pero ‘yung taga-showbiz na kilala ang boses niya ay walang duda na si Joross nga ‘yung nasa video, huh!

Pero siyempre, we have yet to hear a denial from Joross kung malakas ang kanyang loob, huh!  Natural, hindi niya aaminin ‘yon!

Kung kelan nagkaasawa at nagkaanak, saka pa may eskandalong ganito si Joross. 

Buti sana kung walang social media ngayon. Puwede pa niyang itago ang ginawa niya.

Naku, likas ding tsismoso’t tsimosa ang mga netizens kaya naman sa mga komentong aming nabasa, ‘yung link ng video ang agad hinahanap, huh! Interesado ka rin ba, Salve A.? Ha! Ha! Ha! (No thanks. Di ko siya type Tito. HahahaSVA)

Judge sa isang talent show, hinusgahan na agad

Talentless judge in a talent show? Ha! Ha! Ha! Humalakhak talaga kami sa post na ito ng isang entertainment writer!

Komento nga ng isang director sa post na ito, “Tarraaayyy!!!”

Naku, we knew it coming nang ibalandra ang publicity ng mga judge sa isang talent show. Isa sa kanila ang mahahagupit!

Eh, choosy rin kasi ang judge na ito sa trabaho. Mas feel niya siguro ng weekly kesa daily show, huh!

Alam marahil ng nagsulat na pag-arte lang ang alam ng judge na ito.

Wattpad magiging weekly na lang

Gagawing weekly na lang daw ang Watt­pad Presents ng TV5 at hindi na daily ayon sa aming nakausap sa Kapatid Network.

Parang telemovie raw ang dating nito na magtatapos din agad hindi gaya ng mga nakaraang episodes na weekly ang pagtatapos. Either isa o isa’t kalahating oras ang tagal nito. Hindi nga lang nabanggit ng aming kausap kung Viva Communications din ang may produksyon ng Wattpad Presents.

Subalit hindi maitago ng aming kausap ang excitement niya sa TV version ng Panday.

Pawang superlatives ang binibitawan niyang salita, huh!

Sa totoo lang, ratsada ang Viva Communications sa production nito sa TV5. Sinimulan nila ito sa launching ng Born To be A Star na sinundan ng Tasya Fantasya. Next week, ilulunsad naman ang TV drama na Bakit Manipis ang Ulap nina Cesar Montano at Claudine Barretto.

Then next na ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

A STAR ACIRC ALIGN ANG BAKIT MANIPIS BORN TO JOROSS LEFT QUOT STRONG VIVA COMMUNICATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with