^

Pang Movies

Angeline laging iniiyakan ang pagiging fan kay Regine

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit kilala na rin siyang singer at nag-aartista na rin, hindi pa rin nagbabago ang pagiging fan ni Angeline Quinto sa idolo niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Lalo pang natuwa si Angeline nang kunin siya nina Cacai Velasquez-Mitra at Anna Puno para makasama nina Regine, Erik Santos at Martin Nievera sa The Royals pre-Valentine concert on February 13 at the MOA Arena.

Sa pre-production meeting nila, madalas na tahimik lang si Angeline at nakatingin kay Regine.

 “Iniisip ko kasi na suwerte ako at kasama ko na si Ms. Regs sa isang major concert. Siyempre, aminado naman ako na sobra akong fan pagdating kay Ms. Regs, kaya behaved lang ako. Tahimik lang ako kasi nga kaharap ko ang idol ko,” sabi ni Angeline.

Sa tuwing nagsasalita rin si Angeline tungkol sa pagiging fan niya ni Regine, halos naiiyak siya. Nakakaiyak din daw kasi ang kabaitan sa kanya ni Regine noon pa mang panahon na sumali siya sa Star For A Night sa IBC-13 na ini-host ng Asia’s Songbird.

Mas lalong nakakaiyak daw ‘yung kung paanong niregaluhan pa siya ng alahas ni Regine nang mag-guest ito sa first major concert niya noon.

Oo nga pala, naaliw ako kay Angeline nang paalis na si Regine sa presscon nila na ginanap sa The Luxent Hotel sa Timog Ave., Quezon City.

Nang nakita ni Angeline na nag-aabang na si Regine na bumukas ang elevator, narinig ko na nagsalita si Angeline sa kanyang handler na si Ms. Cynthia na gusto niyang makasabay sa pagsakay sa elevator ang kanyang idolo.

“Huwag na, nakakahiya,” sey ng handler ni Angeline sa kanya.

 “Sige na, Ate, gusto ko talaga na makasabay sa elevator si Ms. Regs,” pagpupumilit naman ni Angeline sa kanyang handler, kaya ako na ang nagsabi sa misis ni Ogie Alcasid na hintayin na si Angeline at gusto nitong sumabay.

Hinintay naman ni Regine si Angeline at kinilig na naman ang number one fan ng Asia’s Songbird.

Sabi nga pala ni Regine tungkol kay Angeline, natutuwa siya para rito dahil nakita niya kung paanong naging successful ito pagkatapos na sumali noon sa reality singing contest na ini-host niya.

Eugene at Jose malabo nang magkaayos?!

Mawawala muna ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo sa GMA 7 at papalitan ito ng Dear Uge na tuwing Sunday mapapanood.

Sabi ng isang executive ng Kapuso network, season break lang daw ang Celebrity Bluff at babalik din in the future.

Feeling ko, bumalik man ‘yon, hindi in the near future.

Baka hintayin munang maging ok sina Uge at Jose Manalo.

Noong nawala si Jose sa nasabing show ay kumalat ang balitang may gap ito at si Uge.

Natawa ang Kapuso network executive nang tanungin ko tungkol sa gap nina Uge at Jose.

ACIRC

ANG

ANGELINE

ANGELINE QUINTO

ANNA PUNO

CACAI VELASQUEZ-MITRA

CELEBRITY BLUFF

DEAR UGE

ERIK SANTOS

MS. REGS

REGINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with