Kris nakalibre ng acting workshop kay Nora
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 14, 2016 - 9:00am

Dahil madalas na kasama ni Kris Bernal si Nora Aunor sa serye nilang Little Nanay ng GMA 7, para na siyang nakalibre ng workshop sa mga natutunan niya sa Superstar.

Mas lalong tumaas ang respeto ni Kris kay Ate Guy dahil nakita niya kung gaano ito ka-dedicated sa kanyang trabaho. Hanga rin si Kris sa attitude ni Nora dahil hindi nagpi-feeling big star ang senior actress sa kanilang set. 

Pagdating naman sa kanilang location ng taping ay talaga raw nilalapitan ni Nora ang fans at niyayakap na parang walang pagod na nakikihalubilo sa mga tao.

Kaya tini-treasure at ini-enjoy ni Kris na makasama ang isang Nora at feeling honored ito na nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang respetado at mahusay na multi-awarded actress.

Aminado naman si Kris na zero ang kanyang love life, hindi dahil sa busy siya ngayon sa kanyang series sa Kapuso network kundi ayaw lang daw niyang sayangin ang time na makipag-date kung wala rin pupuntahan ang relasyon.

Kahit noon pa man ay choosy na si Kris sa pakikipagrelas­yon. Dahil inuuna rin niya ang kanyang pamilya na dapat ay approved sa kanila ang lalaki.

This time ay gusto na ni Kris ang seryosong relasyon. Hindi kailangan na taga-showbiz, pero dapat ay naiintindihan ang kanyang trabaho. Sana raw ay ‘yung lalaki na  magga-guide sa kanya at magbubukas sa kanya ng ibang opportunity bukod sa mundo ng showbiz na siyang kinasanayan na niya.

Samantala, thankful din si Kris sa kindness ni Kuya Germs na lagi raw siyang tinutukso kay Jake Vargas. Gusto raw kasi ni Kuya Germs na maging BF/GF sila ni Jake. Sa show ni Kris nagsimulang lumabas si Jake sa Dapat Ka Bang Mahalin? nila ni Aljur Abrenica  noon. Katuwiran lagi ni Kris kay Kuya Germs ay pokus siya sa kanyang trabaho at masyado siyang matanda para kay Jake bilang girlfriend. Mami-miss din ni Kris si Kuya Germs na lagi siyang welcome para mag-promote sa radio show nito at sa Walang Tulugan.

ALJUR ABRENICA ANG ATE GUY DAHIL DAPAT KA BANG MAHALIN JAKE VARGAS KRIS KRIS BERNAL KUYA GERMS LITTLE NANAY NORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with