Leonardo DiCaprio wala masyadong interes na magkaanak!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 13, 2016 - 9:00am

Sa latest issue ng Rolling Stone magazine kung saan nasa cover ang hinirang na Golden Globe Best Actor in a Motion Picture (Drama) na si Leonardo DiCaprio, sinagot nito ang matagal na niyang iniiwasan na tanong kung gusto na ba nitong magkaroon ng anak.

Isa sa may pinaka-private na buhay sa Hollywood si Leo at bihira ang pagkakataon na sagutin niya ang mga personal na mga tanong sa kanya.

Kahihiwalay nga lang niya sa kanyang model girlfriend na si Kelly Rohrbach.

Kaya sa tanong kung kailan siya magkakaroon ng pamilya, heto ang sagot ni Leo:

“Do you mean do I want to bring children into a world like this?

“If it happens, it happens. I’d prefer not to get into specifics about it, just because then it becomes something that is misquoted. But, yeah.

“I don’t know. To articulate how I feel about it is just gonna be misunderstood.”

Fans nina Miguel at Bianca may pramis

Ayaw ma-pressure ng Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil ang teleserye nila na Wish I May ang papalit sa long-running top-rating series na The Half Sisters.

Para kay Bianca, isang karangalan na sila ang napiling pumalit sa timeslot ng matatapos ng The Half Sisters.

“’Yung ibigay po sa amin ang timeslot ng The Half Sisters, parang ang laki ng expectations nila.

“Kaya kami ni Miguel, pinaghusayan talaga namin ang performance namin at ‘yung story ay aabangan talaga nila kung ano ang mga mangyayari.”

Si Miguel naman ay positive ang pananaw na ang mga tumutok sa The Half Sisters ay susuportahan din ang serye nila ni Bianca.

“Malaki po ang paniniwala namin na nandiyan pa rin ang televiewers ng papalitan naming show. Na panonoorin din nila kami dahil maganda ang kuwento ng teleserye namin at kapupulutan ng maraming aral,” ngiti pa niya.

Glydel hirap tanggapin ang pagkawala ni Kuya Germs

Flordeliza Sanchez pa noon si Glydel Mercado nang tanggapin siya ng yumaong Master Showman German “Kuya Germs” Moreno sa That’s Entertainment taong 1992.

Manager pa noon ni Glydel si Annabelle Rama.

Pero muntik na nga siyang matanggal sa That’s dahil nagkaroon ng away ang kanyang ina at si Tita Annabelle.

Ang hindi makakalimutan ni Glydel kay Kuya Germs ay pinakinggan nito ang kanyang side at hindi siya tinanggal sa naturang programa.

“Kinausap kami ng mommy ko ni Kuya Germs at naintindihan niya ang sitwasyon. Siya na ang kumausap kay Tita Annabelle na bigyan ako ng pagkakataon sa show.

“That time, binitawan na ako ni Tita Annabelle at si Kuya Germs na ang pinagdesisyon niya. ‘Yun na nga, hindi ako tinanggal ni Kuya Germs kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

“Kung nawala ako sa That’s noong mga panahon na iyon, walang makikilalang Glydel Mercado.”

Ninong din sa kasal nina Glydel at Tonton Gutierrez si Kuya Germs at panay ang paalala sa kanila na magsama ng maayos at bigyang importansya ang pamilya kahit na pareho silang busy sa kanilang trabaho.

Kaya hindi mapigilan ni Glydel ang umiyak sa presscon ng Wish I May ng GMA 7 dahil hindi raw niya man lang nabisita si Kuya Germs noong nakaraang taon.

“Kaya ipinagdarasal ko si Kuya Germs. Saan man siya ngayon, alam kong masaya siya at nagawa na niya lahat noong nabubuhay siya. Marami na siyang natulungan at ipinaglaban, panahon na para magpahinga siya.

“Mahirap mang tanggapin, pero gano’n talaga. Mahal ka namin tatay… maraming, maraming salamat po,” pagtatapos pa ni Glydel Mercado.

ACIRC ANG BIANCA GERMS GLYDEL GLYDEL MERCADO HALF SISTERS KAYA KUYA KUYA GERMS TITA ANNABELLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with